^

PSN Showbiz

BF ni Ruffa rubbing elbows sa presidente ng France!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magandang tanawin ang nakita ng press people na dumalo sa VIP launching at fashion show ng Love Collection2 sa Century City Mall at ito’y ang makitang magkatabi sa front row sina Annabelle Rama at balae niyang si Esther Lahbati. Katabi rin nila sina Richard Gutierrez at Eddie Gutier­rez.

Ang feeling ni Annabelle, naram­daman din ni Zion na bati na ang da­lawang lolas niya, kaya ngumiti ito nang makita sila ni Esther at kumaway pa. Nakita ring palipat-lipat ang tingin nito kina Annabelle at Esther.

Sabi ni Annabelle, dahil bati na sila ni Esther, madadalaw na nito ang apo sa bahay nila sa Dasma­riñas, kung saan nakatira sina Richard at kahit sa bahay nila sa White Plains, welcome ang balae niya.

Hindi na sinagot ni Annabelle kung sino ang first na gumawa ng move na sila’y magkabati ni Esther at ang sabi lang, ‘pag siya ang binati, hindi siya puwedeng tumanggi. “Sabi ko rin sa kanya wala na tayong problema at pareho nating mahal ang mga anak at apo natin,” dagdag ni Annabelle.

Very proud si Annabelle sa mga apo niyang sina Lorin at Venice Bektas na sa batang edad, may business na sa tulong ni Rajo Laurel. Perfect combi­nation daw ang mga apo dahil kung si Lorin ay magaling magsalita, mahusay namang kumanta si Venice. Keri ng dalawa ang interview ng CNN Philip­pines dahil mga-Inglesera ang magkapatid.

Nasa VIP launching ang BF ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal, pero “hindi okay” ang sagot ni Annabelle sa tanong kung okay na sa kanya ang BF ng anak. Ngumiti naman ito nang banggitin ng press na ka-rubbing elbows nito si French President Francois Hollande at ang French actress na si Marion Cotillard nang bumisita sila sa bansa.

Ikinatuwa ni Ruffa Gutierrez nang nalamang sa VIP launching at fashion show pa lang ng Love Collection 2, marami na ang bumili kahit may kamahalan ang presyo ng mga damit dito. Kailangan daw mabenta ang mga damit dahil malaki ang capital niya. Tama ba ang nakita naming ang pinakamura ay P4,000?

Ang ikinatatakot nina Ruffa at Rajo, baka wala nang maibenta sa kiddie dresses and outfits na this Monday pa lang magiging available sa rami ng nag-pre-order. Kapag naubos ang may 300 na first batch sa dresses, maglalabas uli sila ng new batch sa June. Mabenta ang Love Collection2 dahil may pang boys at may pang-tweens na.

Nagpasalamat si Ruffa sa lahat ng tumulong sa successful launching na lahat walang talent fee, pati ang host na si Raymond Gutierrez. Ang dami ring food sa event, parang children’s party ang atmosphere.

Hinanap namin kay Ruffa ang BF niyang si Jourdan, pero nawala raw ito bigla. Takot si Jordan sa mommy niya at sa press kaya tumakas ito. Best relationship daw niya ito as of today at touch siya na nagpapabalik-balik ito sa Pilipinas at Paris makita lang siya.

Ruru at Gabbi graduate na sa HS, napagsasabay ang pag-aaral at trabaho

Kung matutuloy, this Monday na ang storycon ng Let The Love Begin, ang launching series nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa GMA-7. Kapag present sa presscon sina Regine Velasquez, AiAi delas Alas, Ariel Rivera, at Gina Pareño, tama ang tsikang kasama sila sa cast kahit ayaw kumpirmahin ng network.

Magandang graduation gift nina Ruru at Gabbi ang bigyan at pagkatiwalaan ng network ng launching project. Parehong nag-graduate sa high school ang dalawa na hindi pinabayaan ang studies kahit busy sa showbiz.

Nag-graduate sa St. Paul’s College Pasig last Saturday, March 21 si Gabbi at March 28 naman ang graduation ni Ruru. Ngayong graduate na sila, ipagpapatuloy na nila ang acting workshop para sa Let The Love Begin to be directed by Gina Alajar.

Sa kaso ni Gabbi, nagti-taping pa siya ng InstaDad na pilot airing na sa April 5, but in fairness, nagagawa niyang lahat ang trabaho niya.

Rocco pinaiyak ni Lovi nu’ng birthday!

Birthday ni Rocco Nacino noong March 21 at masaya nitong ibinalita sa followers niya sa Instagram (IG) na ang birthday gifts sa kanya ng GF na si Lovi Poe ay iPhone at Bomberg wristwatch.

‘Katuwa ang thank you message ni Rocco kay Lovi na “I hate you for bri­nging me to tears with your sweet gifts but thank you for making me extra happy tonight my love, with my wonderful gifts to enjoy my birthday salubong, a gift I want, and need. Thank you for this, but when it comes to a want and a need, it will always be you.I love you babe!”

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ARIEL RIVERA

COLLEGE PASIG

GABBI

LET THE LOVE BEGIN

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with