^

PSN Showbiz

Jason aminadong crush na crush si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala ang grand winner ng The Voice of the Philippines season 2 na si Jason Dy sa mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

“Lahat po parang nakakapanibago, ‘yung mga nakakakilala sa ‘yo, ‘yung mga nagpapa-picture. Medyo nawe-weird-ohan pa ako kasi hindi pa ako sanay pero masaya po. Tapos ‘yung dating mga idol na pinapanood ko lang sa TV, kasama ko na sila na nag-perform sila. Kagaya sa birthday special ni Vice (Ganda) kasama ko sina Kyla, Yeng (Constantino), dati pinapanood ko lang,” nakangting pahayag ni Jason.

Aminado ang singer na malaki ang naitulong sa kanya ng mga tagahanga ng coach niyang si Sarah Geronimo sa pagkanalo sa nasabing contest. “Sobrang grateful po ako na nabigyan po ako ng pagkakataong maging part ng Team Sarah. Isa po siyang malaking blessing kasi sobrang laki po ng fan base ni coach, na talagang nakatulong sa akin. Solid po talaga ‘yung mga Popsters,” pagbabahagi ni Jason.

Inamin din ng binata na mayroon siyang crush sa Popstar Princess.

“Opo, sino naman po ang hindi (magkaka-crush). Maganda, mabait, ‘yung pagka-down to earth niya po kasi at the level of kasikatan niya, name-maintain niya pa rin ‘yung feet niya on the ground,” pahayag ni Jason.

Alam ng binata na maganda ang takbo ng relasyon nina Sarah at Matteo Guidicelli. “I respect po their relationship,” giit ng singer.

Jessy nainggit sa pagpipilit kay Megan, gusto na rin sumali ng beauty pageant

Naiisip daw ni Jessy Mendiola na sumali na rin sa isang beauty pageant. Para sa aktres ay kailangan niyang paghadaan ang bagay na ito kung matutuloy siya sa isang kompetisyon. “I have a lot to learn before joining a beauty contest. I have a lot to learn pa, so right now I’m not that confident to join but maybe. I’m not sure yet, baka puwede,” nakangiting pahayag ni Jessy. Naikuwento ng dalaga na siya raw ang nagtulak kay Miss World Megan Young upang sumali sa beauty pageant noon. “Si Megan kasi matagal ko na siyang kinukulit. When she got into Miss World, when she told me na mag-compete siya, sabi ko, ‘Sabi ko sa ‘yo you’re the beauty queen.’ I really pushed her. Mga tipo kasi niya ‘yung pang-beauty pageant eh. Ako kasi I don’t see myself as graceful as Megan,” pagbabahagi ni Jessy.

Samantala, abala na ngayon ang aktres sa teleseryeng Will Never Say Goodbye kung saan ay bida rin sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Kabado raw lagi si Jessy sa tuwing kaeksena ang dalawa. “I feel excited and nervous at the same time every time I do a scene with the both of them. They are very nice, nakakakilig sila to think na they have their own families, they have their own children,” pagtatapos ni Jessy.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DAWN ZULUETA

JASON DY

JESSY

JESSY MENDIOLA

MATTEO GUIDICELLI

MEGAN

MISS WORLD

MISS WORLD MEGAN YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with