^

PSN Showbiz

Amalia nahihirapang maka-move on sa pagdadamot sa kanya kay Liezl

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

I’m sure hindi pa naiibsan ang lungkot na namamahay sa puso ni Amalia Fuentes, lalo’t nadedma siya sa burol at cremation ng kanyang anak. Nanay siya eh, walang ina na hindi mahahapis sa pagpanaw ng kanyang anak, lalo’t nag-iisa.

Maaring may namamagitang hindi maganda sa pagitan nila ni Liezl at maging pamilya nito, pero, hindi sapat para pagkaitan siya ng pagka­kataon na makapiling ang anak sa huling pagka­kataon. Anumang hindi nila pagkakaintindihan sana ay sumama na sa pagkamatay ni Liezl.

Gabby enjoy sa pagiging ama

Gabby Eigenmann is growing old before his time. Pero sa halip na magreklamo, inienjoy na lamang niya ang kanyang father role sa bago niyang teleserye, kahit ang mga anak niya ay malalaki’t nagdadalaga na. Gabby is not only having fun but at the same time, learning some important lessons about fatherhood.

Mark pinaghandaan ang role ni Christopher

Kasali si Mark Bautista sa stage adaptation ng pe­li­­­ku­lang Bituing Walang Ningning na pinasikat ni Sha­ron Cuneta ilang taon na ang nakararaan.

Ga­­gam­panan niya ang role na ginampanan noon ni Christopher de Leon. Nag-worshop pa umano ang binata para sa kanyang gaganaping role.

Gaganap naman ng role ni Dorina Pineda ang isang bagong bituin na na-mentoran na ni Sha­wie sa isang singing contest ng ABS-CBN. Siya si Moni­ca Cuenco na pumasa sa audition ng Resorts World Manila.

Si Cris Villongco naman ang gaganap ng papel ni Cherie Gil noon. Magandang role din ‘yun at comparable sa role ni Monica. Panoorin ko nga. Sus, may sakit pala ako at nagpapagaling pa. Sana’y mapayagan ako ng doktor ko.

1D Pinoy fans lugi

Napakamahal nga naman ng tiket para sa dalawang gabing palabas ng One Direction, tapos kulang pa sila ng isang miyembro. Umatras na kasi si Zayn Malik sa kanilang concert tour dahil daw sa stress. Kailangang makuntento ng mga manonood sa apat na miyembro na sana naman ay masulit sa laki ng ginastos nila.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

BITUING WALANG NINGNING

CHERIE GIL

DORINA PINEDA

GABBY EIGENMANN

LIEZL

MARK BAUTISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with