^

PSN Showbiz

Hiwalay ang kwarto noong nagsasama beauty queen hindi talaga ginalaw ng dating asawa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakalaking insulto nga naman para sa isang magandang babae ang hindi man lang bigyan ng pagkakataong mahalin ng napili niyang makasama sa buhay. At hindi lang basta maganda, may nakaputong pang korona sa kanyang ulo, kaya triple ang insultong pinagdaanan ng female personality sa isang karelasyong ni ayaw na niyang alalahanin ngayon kahit ang pangalan lang.

Walang may gustong maniwala sa kanyang mga kuwento, nag-iimbento lang daw siya ng istorya, dahil sino nga ba naman kasing lalaking nasa kanyang katinuan ang tatanggi sa isang babaeng tulad niya na pagkaganda-ganda?

Pero maraming nagtatanggol sa babaeng personalidad, totoo ang kanyang mga sentimyento, marami siyang iniyakang kaibigan at kamag-anak nu’ng mga panahong nagsasama pa sila ng banyagang pinakasalan niya.

Hiwalay sila ng tulugan, may kani-kanya silang kuwarto, kahit minsan kuno ay hindi nagtangka ang lalaki na makipagsiping sa kanya. Nu’ng kalaunan ay nagtanong na siya kung bakit, pero blangko ang isinasagot ng lalaki, huwag na lang daw nilang pag-usapan ‘yun magpakailanman.

“Nakakaloka ang pinagdaanan niya. Nu’ng nililigawan pa lang siya ng lalaki, e, napakalambing naman sa kanya, ilang beses na may nangyari sa kanila, kaya nga nagpakasal na sila, e!

“Pero kung kailan naman sila mag-asawa na, e, saka pa niya naranasan ang mainsulto, hindi talaga siya tinatabihan ng husband niya! Ni halik nga, bihira na lang niyang matikman at sa cheeks pa!” windang na kuwento ng aming source na malapit sa babaeng may korona sa ulo.

Nakipaghiwalay ang babae, pagkatapos nang ilang panahon ay nakatagpo siya ng bagong mamahalin, isang lalaking hindi man kaguwapuhan at katangkaran ay sinsero naman ang pagmamahal sa kanya at kasundo niya sa maraming aspeto ng buhay.

Sabi na lang ng babae, madaya talaga ang panglabas na anyo lang, wala raw naman siyang sipon nang magkakilala sila pero kung bakit hindi niya naamoy ang tunay na kasarian ng kanyang pinakasalan.

Ubos!

Kris dawit? AiAi pinabayaan ng Kapamilya

Ngayong selyado na ang kontrata ni Willie Revillame sa GMA-7 bilang host-producer ng programang Wowowin ay ang pagkabilang-bakod naman ni AiAi delas Alas ang inaabangan ng marami.

Ilang linggo nang bahagi ng mga bulung-bulungan ang paglipat ng Comedy Concert Queen sa Siyete, ayaw pa lang niyang magsalita tungkol du’n, pero maraming taga-Siyete na ang nagpapatunay na done deal na ang kanyang paglipat mula sa ABS-CBN.

Ayon naman sa isang source na nakakakuwentuhan namin, kahit pa nagkabati na sila ni Kris Aquino ay wala pa rin namang nagbago, pormalidad lang ang kanilang pagkakasundo pero ang kuwento ng nakaraan ay ganu’n pa rin.

“Tinatrabaho talaga si AiAi, halatang-halata naman na sa isang kampo lang galing ang mga bashers niya. Iisa lang ang sinasabi, iisa lang ang tumbok ng upak sa kanya, kaya iritado na si AiAi!” sabi ng aming source.

Hanggang sa July pa ang kanyang kontrata sa Star Cinema, pero sa network ay tapos na, ilang beses nang may nakakakita sa komedyana na nakikipag-meeting sa ilang ehekutibo ng GMA-7.

Kunsabagay, batas naman ng buhay na kung saan tayo masaya ay du’n dapat tayo, kahit sa pakikipagrelasyon ay hindi tayo dapat nagsasakripisyo, minsan lang tayong mabubuhay, kaya kailangang piliin na natin ang kapaligirang makapagpapasaya sa atin.

“May mga projects nang naghihintay kay AiAi sa Siyete, maraming puwedeng ibigay sa kanya ang network. Kahit naman sa Dos, maraming puwedeng ipagawa sa kanya, pero nakapagtataka lang na pinabayaan siya ng istasyong bilyong piso ang naiakyat niya,” napapailing na pahayag ng aming impormante.

vuukle comment

COMEDY CONCERT QUEEN

KANYA

KANYANG

LANG

NAMAN

NIYA

PERO

SIYETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with