^

PSN Showbiz

Sa sobrang lungkot, fans ni Mariel nag-aalala na baka maging Rita Avila rin ang misis ni Robin; Toni nag-sorry na sa inasal sa Binibining Pilipinas

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Magmumukhang bitter at kontrabida ang mga tao na patuloy na babatikos kay Toni Gonzaga sa inasal nito sa coronation night ng Bb. Pilipinas dahil humingi na siya ng paumanhin sa presscon ng You’re My Boss ng Star Cinema noong Martes.

SCENE: Kasama sa bucketlist ni Toni Gonzaga na makapareha si Coco Martin bago siya ikasal at natupad ang kanyang pa­ngarap dahil sila ang lead stars ng pelikulang You’re My Boss.

SEEN: Ang denial ni Bb. Pilipinas Universe Pia Wurtzbach na nag-date sila ni P-Noy. Nagkakilala lamang ang dalawa sa isang publication event na kapwa nila pinuntahan. Pero inamin ni Pia na nag-dinner sila ng Presidente na inaalat ngayon sa isyu ng Mamasapano masscare.

SCENE: Hindi pa nagdedesisyon si Winwyn Marquez kung sasali uli siya sa mga beauty contest sa susunod na taon. Inuuna muna ni Winwyn ang pagpapahinga.

SEEN: Ang graduation dinner ni Julian Estrada sa isang Japanese restaurant sa Greenhills noong Martes. Hindi kasama sa dinner ang kanyang ama na si Senator Jinggoy Estrada dahil bumalik agad ito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

SCENE: Walang ingay na nagsimula kahapon ang Sinag Maynila, ang indepedent film festival na pinamumunuan ng movie producer na si Wilson Tieng at ng direktor na si Brillante Mendoza.

SEEN: Mapapanood sa selected theaters ng SM Malls ang limang indie movie na kalahok sa Sinag Maynila mula March 18 hanggang March 24.

SCENE: Nababahala ang fans ni Mariel Rodriguez na baka matulad siya kay Rita Avila na masyadong dinamdam ang pagkamatay ng anak nila ng direktor na si FM Reyes. Apektadung-apektado si Mariel dahil nakunan siya sa dapat na magiging panganay na anak nila ni Robin Padilla. Byecutiepie ang hashtag ng miscarriage ni Mariel.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

CAMP CRAME

COCO MARTIN

CUSTODIAL CENTER

JULIAN ESTRADA

MARIEL

MY BOSS

SINAG MAYNILA

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with