^

PSN Showbiz

Patulan kaya ng Malacañang? Nora Aunor ibinulalas ang galit kay P-Noy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Rejoicing ang fans ni Nora Aunor dahil sa kanyang panawagan na mag-resign si P-Noy dahil palpak ang mga desisyon nito.

Ginawa ni Nora ang panawagan sa paggunita sa 20th year ng pagbitay sa Singapore kay Flor Contemplacion, ang OFW na pumatay kay Delia Maga at sa Singaporean boy na alaga nito.

Mabibigat ang mga salita na binitiwan ni Nora laban sa pangulo ng Pilipinas. Tingnan natin kung papatulan ng Malacañang Palace ang isyu ng panawagan ni Nora na mag-resign si P-Noy na malabo na mangyari dahil matatapos na ang kanyang term sa susunod na taon.

Kahit sino ang nasa posisyon ni  P-Noy, hindi bababa sa puwesto. Nagawa nga niya na tumagal bilang pa­ngulo ng bansa sa loob ng limang taon, ngayon pa ba siya magre-resign eh ilang buwan na lang, tapos na ang kanyang panunungkulan sa gobyerno?

Knowing P-Noy, hindi siya papayag na maging maligaya ang kanyang detractors. Hinding-hindi niya pagbibigyan ang panawagan na mag-resign siya. Hindi nga siya nakumbinsi na mag-sorry sa Hong Kong dahil sa mga Chinese national na napatay sa hostage-taking sa Luneta at hindi rin siya nag-apologize para sa Mamasapano massacre ‘di ba?

Big news sasambulat

May big news na pag-uusapan sa linggong ito pero hindi ko sasabihin dahil ilang araw na lang ang hihintayin ng mga curious na malaman ang detalye ng malaking balita na tinutukoy ko.

Mga kontrobersyal na showbiz personality ang involved sa big news na si­guradong pag-uusapan, pagpipistahan, at ikatutuwa ng marami.

Excited ako para sa mga involved sa big news na dapat abangan at magpapabago sa buhay ng mga tao na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Romeo Vasquez parang natagpuan ang fountain of youth

Parang natagpuan ni Romeo Vasquez ang fountain of youth sa Amerika dahil bagets-looking pa rin siya.

Muling nasilayan ng madlang-bayan ang kaguwapuhan ni Romeo nang bumalik siya sa Pilipinas dahil sa pagpanaw ng kanyang anak na si Liezl.

Guwapung-guwapo pa rin si Romeo na stress free yata ang pamumuhay sa Amerika dahil batam-bata ang kanyang itsura.

Nakalulungkot lang dahil umuwi si Romeo sa bansa para magluksa sa pagkawala ng nag-iisang anak nila ni Amalia Fuentes.

May isang sexy star na nakilala noong dekada ’80 dahil sa kanyang claim na anak siya ni Romeo Vasquez sa ibang babae.

Joy Sumilang ang name ng sexy star pero hindi naman niya napatunayan kung tunay na anak nga siya ni Romeo.

Matagal nang huminto sa pag-aartista si Joy pero may komunikasyon pa rin ito sa mga reporter na naging kaibigan niya noong active pa siya sa showbiz.

May mga kumbinsido na tunay na anak ni Romeo si Joy pero may mga hindi naniniwala dahil puwedeng magkahawig lamang sila at ginamit ng sexy star ang apelyido ng ex-husband ni Amalia para pag-usapan siya at maging maingay ang pagpasok niya sa showbiz.

Alyanna Martinez namana ang ugali ni Amalia

Hindi shocking ang pagtatanggol ni Alyanna Martinez sa kanyang pamilya at pagsagot niya sa mga pahayag ng kanyang lola Amalia.

Nakikita ko kay Alyanna ang personality ni Amalia na prangka at hindi nagdadalawang-isip na ibulalas ang kanyang mga saloobin. Hindi puwedeng i-deny na minana ni Alyanna ang pagiging feisty ni Amalia na kabilang sa mga artista na nagdaragdag ng excitement sa mundo ng showbiz.

vuukle comment

ALYANNA MARTINEZ

AMALIA

DAHIL

KANYANG

NORA

P-NOY

ROMEO VASQUEZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with