^

PSN Showbiz

Erik seryoso na raw ang relasyon kay Angeline

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga espekulasyon na opisyal na raw na magkarelasyon sina Erik Santos at Angeline Quinto.

“Kasi ang nangyayari sa amin ngayon, hindi nahahaluan ng showbiz so mas smooth ‘yung pagsasama namin. Hindi na kasi kami bumabata so mas maganda we take our time at mas maganda kung lahat ng mangyayari sa amin bago naming i-disclose to a lot of people, pag-usapan muna namin,” makahulugang pahayag ni Erik.

“Ako, medyo napaso na rin ako sa last relationship ko na parang kabi-kabila, ang daming nangingialam. So this time kung saan kami dalhin, mas maganda na walang halong intriga,” dagdag pa ng singer.

Ayon kay Erik ay exclusively dating pa rin sila ni Angeline sa ngayon. “Sinabi na namin ‘yan na meron talagang special na kumbaga hindi naman ‘yun dine-deny na we’ve been dating for more than a year and that’s exclusive, kumbaga walang iba. Kapag may label na sasabihin na namin,” pagtatapat ni Erik.

Aminado rin ang binata na sobrang mahal niya si Angeline.

“Oo naman, yes. Siyempre hindi naman ako magtitiis ng ganito kung hindi ko mahal,” giit ni Erik.

Kamakailan ay pinagselosan daw ni Angeline ang singer na si K-La Rivera na naging malapit din kay Erik. “Napag-usapan na namin ‘yun, siguro nagkaroon lang ng miscommunication. Parang hindi ko agad nasabi kay Angeline. Normal naman sa dalawang magkaroon ng selosan. So hindi naman maiiwasan. Selosa siya pero naiintindihan ko naman kung bakit nangyari ‘yun. Sine-secure ko siya sa anuman kaming meron ngayon,” paglilinaw ng singer.

Romeo Vasquez parang sinaksak nang malaman ang mga huling araw ni Liezl

Noong Lunes ay na-cremate na ang mga labi ng aktres na si Liezl Martinez. Bago ang cremation ay naging emosyonal ang amang si Romeo Vasquez at inalala ng aktor ang mga huling sandali na nakapiling ang anak. “Last October I was here, I’m not supposed to be here. Nagkausap kami sabi ko, ‘Kamusta ka, are you sick?’ Sabi niya, ‘No papa, I’m okay kung hindi ka pa nakakabili ng ticket okay lang,’ sabi ko, ‘Gusto ko pumunta diyan.’ Tapos dumating siya sa akin last December sa Amerika. Nag-enjoy siya sa Las Vegas, San Francisco and she gained so much weight, parang wala siyang sakit, parang wala siyang problema,” emosyonal na kwento ni Romeo. Sobrang nag-alala raw ang aktor nang mabalitaan na nanghina na si Liezl kamakailan.

“Pagbalik niya rito sa Pilipinas tumawag siya sa akin na hindi na siya makakain. She’s throwing up, hindi siya makakilos nang maayos. Tapos two weeks ago nag-text siya sa akin ang message niya is ‘Papa, I love you and I’m trying hard,’ that’s it. And then si Albert (Martinez) called again sabi niya, ‘Pa, baka hindi na umabot sa birthday niya, she has one month to live,’ para sabihin sa iyo ‘yung ganoon para kang sinaksak sa sakit,” pagdedetalye ni Romeo.

Isang mensahe raw ang iniwan ng aktor para sa namayapang anak.

“Sabi ko sa kanya, have a nice flight. Sabi ko na I hope when I see you in heaven someday you will remember me,” pagtatapos ni Romeo.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ERIK

ERIK SANTOS

K-LA RIVERA

LAS VEGAS

ROMEO VASQUEZ

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with