^

PSN Showbiz

Kaya pala punumpuno ang teatro ticket sa stage play ng aktres pinakyaw ng ‘BF’?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi ang naikuwentong doctor, kundi isang older man na nagwu-work daw sa isang government agency ang nakitang punong abala sa last performance ng isang aktres sa nilabasang stage play.

Ang tsika sa Cultural Center of the Philippines, pinakyaw ng lalaki ang tiket sa stage play sa last performance ng aktres at ipinamigay sa mga kaibigan nito. Sa rami ng friends nito, napuno ang theater, kaya bongga ang last performance sa unang labas sa teatro ng aktres. Bukod sa mahusay umarte, may tumutulong pa sa aktres na magbenta ng tiket, kaya hindi nakagugulat kung muli siyang lumabas sa teatro.

Sa sinabi ng press people na baka kamag-anak ng aktres ang lalaking namakyaw sa tiket ng nilabasang stage play, hindi raw related sa aktres ang lalaki. Gusto ngayong malaman ng press people kung break na ang aktres at ang BF niyang doctor. At kung ‘yung guy na namakyaw ng tiket ang bago niyang special someone ngayon.

Zoren inamin na idol at inggit na inggit sa anak na si Mavy

Ang ganda ng paliwanag ni Zoren Legaspi kung bakit ayaw niya munang mag-showbiz ang mga anak na sina Mavy at Cassy. At 14 years old, mga bata pa raw ang kambal nila ni Carmina Villarroel at gusto niyang i-enjoy muna ng dalawa ang kanilang childhood dahil hindi na ito babalik pa.

Natutuwa si Zoren na ayaw pang seryosohin ng mga anak ang showbiz at okay na sa kanila na gumagawa sila ng TV commercial at naggi-guest sa ASAP. Pero kahit hindi pa artista, hinahabol na ng fans sina Mavy at Cassy ‘pag nakikita sa mall. May nagpapa-autograph na at madalas, nagpapa-picture pa.

Nabanggit ni Zoren na idol niya ang anak na si Mavy na ang dating sa kanya’y may pagka-Elvis Presley, ma-appeal sa tao, kulot ang buhok at guwapo. Inggit si Zoren sa pagkaguwapo, ganda ng katawan at pagkakulot ng buhok ng anak. “Sana siya ay ako. Idol ko siya,” sabi ni Zoren.

Napapanood si Zoren sa Forevermore ng ABS-CBN. Happy ito dahil sa mataas na ratings ng kanilang palabas. Welcome na welcome sa kanya kung aabot sa Book Three ang series o kaya’y ma-extend ng matagal.

Eula excited magpanggap na lalaki at tumira sa male dorm!

Suki ng Wattpad Presents si Eula Caballero dahil pang-apat na niyang magbida sa Lady in Disguise episode kasama sina Steven Silva at Bret Jackson. Mapapanood ang episode, 9:00 p.m., sa TV5 mula April 6 hanggang 10.

Walang love life si Eula ngayon dahil nagtapos na ang ‘special relationship’niya sa akala ng press na boyfriend nito. Wala raw label ang relasyon nila, nag-try lang sila kung magwu-work at hindi sila umabot sa BF/GF relationship. Hindi naging successful ‘yun, kaya nag-usap silang itigil ang “no label relationship” nila.

JC dala-dalawa ang nag-aalaga

Inalis si JC Tiuseco sa The Half Sisters at isinama sa Pari ‘Koy at kung sa Afternoon Prime ay mabait ang karakter niya bilang kaibigan ni Jomari Yllana, dito ay isa siyang lasenggo at basagulero.

Mas may challenge para kay JC ang role niya sa Pari ‘Koy, first time niyang mag-portray ng ganito kasamang karakter at umaasang he’s doing the right thing. Hindi naman daw siya nasisita at nasasabihan ni Direk Maryo J. delos Reyes, kaya feeling niya, tama ang acting na ginagawa niya.

Hindi umiinom si JC in real life at para maging kumbinsido ang acting niyang lasenggo, inobserbahan niya ang mga kaibigang malakas uminom. Nagtanong din siya sa iba kung paano magsalita at kumilos ‘pag lasing.

Si Popoy Caritativo na ang manager ni JC at gaya sa iba niyang talents, hindi pinapirma ni Popoy ng managerial contract si JC. Verbal ang kanilang usapan at nagwu-work ang manager-talent relationship nila kahit walang kontrata.

Pero dahil ang kontrata niya sa GMA Network ay pinirmahan niya noong na kay Jonas Gaffud pa siya at tatagal hanggang October, ang dating manager ang tumawag sa kanya para ipaalam na kasama siya sa Pari ‘Koy.

Kung si JC hindi nalilito na dalawa ang manager niya, ‘wag din tayong malito. Mukha ngang nakatutulong pa sa career niya na dalawa ang nag-aalaga sa kanya.

Piolo pinuna sa pagiging idol si Pacman

Tuluy na tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na co-produced ng Star Cinema at Viva Films. Nag-storycon na ang movie at present ang dalawang bida at ang director na si Dan Villegas.

May pamagat na The Break-up Play­list ang movie at request ng fans ng dalawa, si Antoinette Jaodane na GF ni Direk Dan ang sumulat ng script para masigurong maganda ang pelikula. Ang tandem din ng mag-syotang director at scripwriter ang nasa likod ng hit movie na English Only, Please nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Steven Silva sinalo ng TV5

Nag-ober da bakod muna sa TV5 si Steven Silva habang inaayos pa ang kontrata niya sa GMA Network na nag-expire last February 21. Ka-love triangle si Steven nina Eula Caballero at Bret Jackson sa Wattpad Presents: Lady in Disguise na airing sa April 6 to 10.

First time ni Steven na lumabas sa TV5 at natutuwa na maganda ang ibinigay sa kanyang project. Gagampanan niya ang role ni Kyle na makadidiskubre na ang Miko na roommate niya ay babae at ang tunay na pangalan ay si Mika (Eula). Maganda ang twist ng episode at kahit si Steven, excited.

Bukod sa show sa TV5, busy sa theater si Steven at positive ang comments sa kanya sa musical comedy na La Cage Aux Folles.

vuukle comment

BRET JACKSON

EULA

KUNG

MAVY

NIYA

STEVEN SILVA

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with