^

PSN Showbiz

Marian nagsimula nang magpaka-tomboy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahapon pa lang nagsimula ang taping ng The Rich Man’s Daughter, ang bagong soap ni Marian Rivera sa GMA-7. Sa isang bahay sa Ayala, Alabang ginawa ang taping sa tila magiging controversial pro­ject dahil sa tema nitong lesbianism.

Mukhang si Luis Alandy pa lang ang isa sa naka-eksena ni Marian dahil ang aktor pa lang ang nagbalitang nasa taping siya. Si Luis ang love interest ni Ma­rian na ipagpapalit kay Glaiza de Castro.

Sa direction ni Dominic Zapata, sa first week of April ang airing ng The Rich Man’s Daughter. Bukod sa bagong soap, abangan din ang TVC ng bagong endorsement ni Marian na ilu-launch sa April. Nag-shoot na ang aktres ng TVC.

Gary walang pahinga

Isinabay sa first taping day ng Your Face Sounds Familiar ang pagpirma ng kontrata ni Gary Valenciano sa ABS-CBN bilang isa sa jury ng impersonation show na kinabibilangan nina Sharon Cuneta at Jed Madela.

Kababalik lang ni Gary from a very successful show sa abroad at trabaho agad ang hinarap. Ang ganda nito kung isa sa eight celebrity contestants ang i-impersonate si Gary dahil si Sharon, i-impersonate ni Karla Estrada.

One season o 13 weeks tatakbo ang Your Face Sounds Familiar  na magsisimula this Saturday at bukas, Sunday. Si Arnel Natividad ang director ng show na magsisilbing pagbabalik ni Megastar sa ABS-CBN.

Sef hindi namimili ng trabaho

Ngayong Sabado, bago ang Pepito Manaloto  ang pilot ng Sabado-Badoo, ang 15-minute show ng GMA-7 na magpi-feature ng videos at mga eksena mula sa pelikula, TV show at kahit sa live performances. Gagayahin ng mga host na sina Betong Sumaya at Sef Cadayona ang mga controversial scene, pero ipi-present sa comedic manner.

Walang maisagot si Sef sa tanong kung ano ang gagawin nila ni Betong ‘pag may mag-react negatively sa mga gagayahin nila. Pero wish nito, walang ma-offend sa mga gagayahin nila dahil gusto lang nilang magpasaya ng viewers.

Ang daming shows ni Betong, pero wala pa siyang sasakyan dahil inunang magbayad ng utang sa SSS, makabili ng condo unit at suportahan ang pamil­ya niya. Goal nitong makabili ng car this year at ‘pag nangyari ‘ito, siya na raw ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo.

Si Sef naman, ipina-renovate ang bahay nila mula sa talent fee sa apat na shows. Sabi nito, kaya marami siyang shows dahil hindi siya namimili ng projects at hindi nagrereklamo.

Bret hindi tinatablan ng galit nina Jaclyn at Gabby

Balik-TV5 si Bret Jackson sa Wattpad Pre­sents... Lady in Disguise kasama sina Eula Caballero at Steven Silva. Love triangle ang tatlo sa episode na mapapanood sa April 6. With 1.1 million reads, siguradong magiging hit din sa viewers ang TV adaptation.

Walang kontrata sa TV5 si Bret, per project ang kontrata nito, pero kung bibigyan ng chance at offeran ng exclusive contract, open siya, kausapin lang daw ang Viva Artist Agency kung saan siya nakakontrata.

Ginagawa ni Bret sa Viva Films ang pelikulang Your Place or Mine with Andi Eigenmann and Andre Paras. Okey ang work nila ni Andi kahit may isyu sa kanila, hindi niya GF ang aktres, pero very special ito sa kanya.

Matutuwa ang mag-i-interview kay Bret dahil sinasagot lahat ang tanong. Sa sinabi naming ayaw sa kanya ni Jaclyn Jose at Gabby Eigenmann, mother and brother res­pectively ni Andi, naintindihan niya at hindi siya nasaktan. Dalawa lang daw sila na ayaw sa kanya dahil okay siya sa ibang siblings ni Andi.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANDRE PARAS

ARNEL NATIVIDAD

BETONG

DAHIL

RICH MAN

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with