^

PSN Showbiz

Young actress hindi pa kinakausap ang lawyer hearing sa apelyido ni Julia tuloy pa rin?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isa pala sa wish ng magandang Kapuso girl na si Gabbi Garcia ay maging beauty queen.

 “Magpapatangkad pa po ako,” pakli ng 16-year old young actress na isa sa mga bida sa InstaDad.

Isa raw talaga sa wish niya ang maging beauty queen, kaya mabuting ma-train daw muna siya nang husto sa pag-aartista bago siya sumali sa mga beauty contest.

Bukod kay Gabby Eigenmann, kasama rin ni Gabbi sa InstaDad sina Ash Ortega at Jazz Ocampo.

PAK: Nagpakalbo pa si John Lloyd Cruz para sa pelikula niyang Ponzi na ginawa nang Honor Thy Father.           

Sobrang na-challenge si John Lloyd sa naturang project kaya pumayag itong magpakalbo.

Nagkaroon pa ito ng isyu dahil gustung-gusto pala itong gawin ni Dingdong Dantes kaya halatang sumama ang loob niya kina direk Erik Matti at Dondon Monteverde dahil hindi ito ibinigay sa kanya kahit pinagbilinan niyang gustung-gusto niya itong gawin.

Umaasa naman sina Direk Erik at Dondon na magkakaroon sila ng pagkakataong magkausap sila ni Dingdong para maayos ang tampuhan.

BOOM: Kitang-kita sa debut ni Julia Barretto ang ‘di pagpapansinan ng kanyang magulang na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Kapag kasama ni Julia si Dennis kagaya nung first dance ng debutant, lumalayo raw si Marjorie. Ganun din daw ang ginagawa ni Dennis kapag magkasama naman ang mag-ina.

Walang pagkakataong pagsamahin silang dalawa na mukhang inayos nang mabuti para hindi sila magkatabi.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa masasabi kung mada-drop na ang kaso dahil wala pa raw sinasabi si Julia sa kanyang mga abogado na gusto na nitong i-drop ang petition na isinumite niya.

Sabi ni Atty. Lorna Kapunan, hinihintay lang daw niya na kausapin siya ni Julia tungkol sa kaso.

Sa March 27 na ang hearing nito, at kung hindi sila magkausap para maayos ito, baka hindi na rin maayos-ayos at baka matuloy pa rin ang hearing.

Pero sinasabi naman ng dalawang kampo na kailangang magkakaroon muna nang pag-uusap bago sila magharap-harap uli sa korte sa March 27.

                                               

vuukle comment

ASH ORTEGA

DENNIS PADILLA

DINGDONG DANTES

DIREK ERIK

DONDON MONTEVERDE

ERIK MATTI

GABBI GARCIA

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with