^

PSN Showbiz

Cassy walang paki: Carmina pinatulan ang bashers na fans ni Darren Espanto

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naba-bash ng ilang fans ni Darren Espanto ang dalagita nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil sinabi ni Darren na crush niya si Cassy. May tumawag na pangit si Cassy na malayo sa katotohanan dahil maganda ang bagets.

Si Carmina lang ang nakabasa sa pamba-bash kay Cassy dahil sa account niya sa Instagram (IG) nag-post ang haters ng anak, kaya mas solid ang reaction nito kaysa kay Zoren na cool lang.

“Gusto ko sanang maging violent nang mabasa ko ang pamba-bash sa anak ko at tina-tag pa ako. Kung ako ang titirahin ‘di ko papatulan and I don’t want to stoop down to their level dahil o­pinion nila ‘yun. Ide-delete at iba-block ko lang ‘yun, pero siyempre nanay ako at magre-react ako. Anong kasalanan ni Cassy? Hindi siya ang nasabing crush niya si Darren. Ano bang mga batang ito, ipa-follow ka tapos lalaitin lang,” himutok ni Carmina.

“Alam ni Cassy na may bashers siya at hindi siya affected. “I don’t mind” ang sagot sa akin. Tiningnan ko rin ang reaction niya na crush siya ni Darren, wala ring reaction, mabuti at wala pa sa isip niya ang crush-crush na ‘yan. Natutuwa ako na may naka-appreciate sa anak ko at walang masama sa crush. Ako nga nasa nursery pa lang may crush na, pero hindi si Cass yang nagsabing crush niya si Darren,” paglilinaw ni Carmina.

Samantala, para may peace and harmony bet­ween Zoren and Carmina, hindi nila pinanonood ang intimate scenes na ginagawa ng bawat isa. Gaya sa Bridges of Love na sabi ni Zoren, sa press lang niya nalamang may kissing scene sina Carmina at Paulo Avelino. Kahit tanggap niya dahil nasa showbiz sila, ayaw pa rin niyang ginagawa ito ng asawa kahit naiintindihan niya.

Para hindi sila mag-away o magkaselosan, hindi panonoorin ni Zoren ang eksenang ‘yun ng asawa. Sa Forevermore kung saan kasama siya, wala siyang ka-kissing at ka-love scene.

Gabby instant dad sa dalawang anak ng asawa

Natatawang ikinuwento ni Gabby Eigenmann sa presscon ng pinagbibidahang InstaDad  na nagkasakit siya kamakailan dahil na rin siguro sa dalawang shows ang tini-taping niya. Kasama rin siya sa Pari Koy bilang ang kontrabidang si Jude Banal.

Kasisimula pa lang ng Pari Koy at malamang this month na rin ang airing ng InstaDad, after Sunday All Stars, pero love na ni Gabby ang mga karakter niya.

Hindi bago kay Gabby ang maging instant dad dahil in real life, ganu’n siya. May dalawang anak sa past relationship ang misis niyang si Apple, tinanggap at minahal niya ang mga bata at in-adopt, kaya mga Eigenmann na sila. Siya na ang kinikilalang ama ng mga bata na 19 at 17 years old na ngayon.

Dahil si Gabby na ang parang father figure ng mga kapatid, sa kanya itinanong ng press ang tsikang break na ang kapatid na si Sid Lucero at Alessandra de Rossi. Hindi nag-comment si Gabby bilang respeto sa dalawa na hanggang ngayon ay wala pang inaamin sa status nila.

BFF talo pagdating sa lalaki ex-BF ni Gwen sinalo ni Ellen?!

One month na palang break sina Gwen Zamora at Raymond Romualdez, anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez. Mutual decision daw ng dalawa na maghiwalay at walang third party sa break-up nila.

Kaya siguro okay lang kay Gwen na nali-link ang ex-BF niya ngayon sa kaibigan niyang si Ellen Adarna. May lu­malabas ng pictures nina Ellen at Raymond sa social media na sweet sila at may nagsasabi ngang may relasyon na ang dalawa.

Ang tanong kay Gwen, hindi ba maaapektuhan ang friendship nila ni Ellen na kung totoo ang tsika, si Ellen na close friend niya sa Bubble Gang pa ang ipinalit sa kanya ng ex-BF? Sos­yo sa restaurant sa Makati sina Gwen at Raymond, tuloy pa kaya ang pagiging business partners nila?

Bea at Jake love team buwag na?!

Malulungkot ang fans nina Bea Binene at Jake Vargas dahil pati yata love team ng dalawa ay tatapusin na ng GMA-7. Nabanggit ni Bea, hindi na siya uli tinawagan para mag-taping sa Pepito Manaloto, kung saan, semi-regular siya at love interest ni Jake. Si Julie Anne San Jose ang ginawang partner ni Jake sa comedy show.

Sa pagpasok ni Bea sa Yagit, hindi rin si Jake ang isinama sa kanya kundi si Kiko Estrada. Disappointed man ang JaBea fans, suportado pa rin nila ang love team nina Bea at Jake na kanya-kanya muna ngayon.

vuukle comment

BEA

CARMINA

CRUSH

DAHIL

DARREN

GWEN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with