^

PSN Showbiz

Alonzo balak gawan ng dalawang pelikula ngayong taon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ibinalita sa amin ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na pinaghahandaan na nila ang laun­ching movie ng bagong child wonder na si Alonzo Muhlach na inaasahan nilang sisimulan ngayong Abril.

Nagbi-brainstorning na ang Viva with Alonzo’s dad, Niño Muhlach at magiging writer ng movie. Nagbanggit din sa amin si Boss Vic ng pangalan ng ilang direkor na pinagpipilian to direct Alonzo’s launching movie.

Lahat ng mga pelikulang gagawin ni Alonzo ay co-production ng Viva Films at D’ Wonder Films, ang film outfit ni Niño and his family.

Balak ni Boss Vic na gawan si Alonzo ng dalawang pelikula sa taong ito.

At kahit magsisimula pa lamang umere sa March 16 (Monday) ang Inday Bote at sa kasunod na linggo ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures, drama series naman ang ibibigay kay Alonzo ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Malapit na ring i-launch ang first product endorsement ni Alonzo.

Sharon naniwala sa maling balita!

Halatang-halata kay Sharon Cuneta ang pagka-miss niya sa Kapamilya network na naging tahanan niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Inamin ni Shawie na nagkaroon umano siya ng (kaunting) tampo sa Kapamilya Network kaya siya umalis at lumipat ng TV5. Pero saka lamang niya na-realize na dapat pala ay hindi siya nagpadala sa mga balitang nakarating sa kanya. Iba umano ang nakarating sa kanya at iba rin sa pamunuan ng ABS-CBN. Sa halip na sila’y mag-usap at ayusin kung anumang meron silang hindi pagkakaintindihan ay minabuti ni Sharon ang umalis, bagay na kanyang pinagsisihan.

Ayon kay Sharon, it was a humbling experience for her at marami siyang realization at natutunan  sa loob ng ilang taon na kumalas siya sa Kapamilya Network.

Sa kanyang pagbabalik, tatayo siyang isa sa mga hurado ng magsisimulang Your Face Sounds Familiar along with brother-in-law Gary Valenciano at Jed Madela with Billy Crawford as host. Magiging contestants or participants naman sina Karla Estrada, Jay-R, 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Nyoy Volante, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BILLY CRAWFORD

BOSS VIC

DEO ENDRINAL

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT

EDGAR ALLAN GUZMAN

GARY VALENCIANO

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with