^

PSN Showbiz

Kahit mag-ex pa raw Julian Estrada laglag sa 18 roses ni Julia

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtataka kung bakit hindi kasama si Julian Estrada sa 18 roses ni Ju­lia Barretto na magkakaroon ng grand debut on March 10 at gaganapin sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel in Makati City. Naging item din naman noon sina Julia at Julian although walang direk­tang pag-amin na nagmula sa dalawa na naging sila.

Ang nakatampuhang ama ni Julia na si Dennis Padilla ang magiging first dance ni Julia at ang teenage son naman ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual ang magi­ging last dance ng teenstar. Sa ka­bila na hindi pagkakasali sa 18 roses si Julian, dadalo ito sa debut party ni Julia dahil imbitado siya at itinutu­ring niyang kaibigan ang panganay ni Dennis Padilla sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto. Aabangan din ng marami kung dadalo sa party ni Julia ang kanyang warring aunts na sina Gretchen at Claudine Barretto at ma­ging ang kanyang maternal grandpa­rents na sina G. Miguel at Gng. Inday Barretto.

Bong nahihirapan pa rin sa nangyari kay Jolo

Last Thursday ng hapon ay dumalaw kami kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla sa kanilang detention cell sa Camp Crame. It was our first time na makita at makausap si Sen. Bong ma­tapos ang aksidenteng pag­kakabaril sa kanyang sarili ni Cavite vice-governor Jolo Revilla at isang araw matapos siyang payagan ng Sandiganbayan na mabisita ang kanyang anak na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin sa Asian Hospital and Medical Center. Ayon kay Sen. Jinggoy, ang kanyang amang si dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada ang unang tu­mawag sa kanya tungkol sa nangyari kay Jolo. Inalam muna ni Sen. Jinggoy kung stable na ang lagay ni Jolo bago niya kinausap ang kanyang kumpareng si Sen. Bong para ihatid ang masamang balita tungkol sa anak nito. “Natulala talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Umiyak ako dahil gustuhin ko mang sumugod sa hospital to be with my son ay hindi ko magawa dahil sa sitwasyon. Napakahirap talaga,” malungkot niyang pahayag. Mahigit walong buwan na ring naka-detain sa detention cell ng Camp Crame sina Sen. Jinggoy at Sen. Bong.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DENNIS PADILLA

JINGGOY

JOLO

JULIA

SEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with