^

PSN Showbiz

Jolo lalabas na ng hospital, madaling gumaling dahil sa alaga ni Jodi

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Inspired si Sunshine Dizon sa bagong drama series niyang Pari ‘Koy. Isang Christian si Sunshine kaya nilinaw niyang hindi lang pang-Katoliko itong drama series ni Dingdong Dantes kundi sa lahat daw na relihiyon na iisang Diyos ang sinasampalataya at pinaniniwalaan. Pahayag ni Sunshine; “I guess what people feel after watching this is a renewed hope and faith kung sinuman ang Higher Being na tinitingnan nila, at magkaroon sila ulit ng gana sa buhay nila.”

PAK: Naging isyu pa ang pagbibigay ng honorarium sa ina ni Jam Sebastian tuwing ini-interview ito. Nag-post pa kasi ang kapatid ni Jam na si Yexel Sebastian na may tinanggap daw na honorarium ang kanilang ina sa isang interview. Pero tinanggal na rin ni Yexel ang post niyang kuha ang litrato ng ina niyang ini-interview at may caption na “aba kinse mil din yun may iyak eh hahaha!” Nilinaw na rin ng ilang programa na ang binibigay nilang honorarium sa pamilya ni Jam ay tulong na rin sa napakalaking gastos nila sa hospital bill kay Jam hanggang sa burol nito. Marami lang ang nakapansin na parang ang showbiz na raw ni Maricar Sebastian, ang ina nina Jam at Yexel. Panay raw ang selfie nito sa burol ni Jam, lalo na’t ‘pag may dumarating na bisita. Kahapon ay inihatid na sa huling hantungan si Jam sa may Manila Memorial Park. Pero bago raw ito inilibing ay idinaan muna ito sa kanyang tahanan sa Pilar Village, Las Piñas.

BOOM: Maganda na ang hitsura ni Jolo Revilla sa mga huling litratong ipinost ni Cong. Lani Mercado sa kanyang Facebook account. Bago ang operasyon kay Jolo nung kamakalawa ng hapon, kung saan tinanggal ang tube sa kanyang dibdib, kinunan ito ng litrato kasama si Jodi Sta. Maria at ang anak nitong si Thirdy. Nandun din sa litrato ang anak ni Jolo na si Gab. Kaya ang gandang tingnan ng naturang litrato na parang maaliwalas na ang mukha ng Vice governor ng Cavite. Pagkatapos ng operasyon ay may litrato rin si Lani kasama si Jolo na naka-T-shirt na at hindi na suot ang hospital gown. Ayon kay Lani, tuluy-tuloy na ang paggaling ni Jolo, at baka bukas ay puwede na itong lumabas ng hospital. Pero kailangan pa raw niyang magpahinga ng at least isang buwan para tuluyang gumaling ang sugat dala ng tama ng bala ng baril. Nagpapasalamat si Lani sa lahat na tumulong sa pagdarasal sa agarang paggaling ni Jolo. Sa phone patch interview sa kanya sa Startalk, nilinaw na rin ni Lani na walang problema sina Jolo at Jodi. Ang laki raw nang tulong ni Jodi na halos araw-araw na nagbabantay kay Jolo.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

HIGHER BEING

ISANG CHRISTIAN

JAM

JAM SEBASTIAN

JODI

JOLO

LANI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with