^

PSN Showbiz

Paulo masaya para kina LJ at JC

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagkakamabutihan na raw ngayon sina JC De Vera at LJ Reyes. Dating kasintahan ni Paulo Avelino ang aktres at nagkaroon din sila ng isang anak. Wala naman daw problema kay Paulo ang pagkakaroon ni LJ ng bagong karelasyon. “Parang sa akin, it’s all about happiness. Kung saan masaya si LJ or kahit si JC. Kahit sino pang piliin nila basta maging masaya sila,” bu­ngad ni Paulo.

Samantala, may bu­lung-bulungan na nag­ka­hiwa­lay na diumano ang aktor at si KC Concepcion. Hindi na raw kasi mas­yadong nakapag-uusap at nakapagsasama ang dalawa ngayon. “Ha? Parang wala pa na­mang inaamin na naging kami, break kaagad? Hindi naman siguro nagbe-break ang magkaibigan,” natatawang pahayag ng aktor. “Nag-uusap naman kami,” giit pa ni Paulo.

Kamakailan ay naging kontrobersyal din ang post ng aktor sa kanyang Instagram account na ‘They ain’t gonna bring me down’. Wala naman daw pinatatamaan ang aktor tungkol dito.

Jam sa casino raw malamang nakuha ang lung cancer

Ngayong araw ay nakatakda nang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park-Parañaque ang YouTube sensation na si Jam Sebastian. Pumanaw ang 28 years old na binata noong Miyerkules dahil sa ilang buwan din nitong pakikipaglaban sa lung cancer.

Halos hindi pa rin daw matanggap ng inang si Ma­ricar Sebastian ang sinapit ng anak. “Hindi niya kasi deserve ‘yung namatay siya na naghirap. Okay lang sana kung namatay siya ng hindi man lang nagbago ‘yung mukha niya. ‘Yung sobrang pinahirapan siya, ‘yun ang hindi ko ma-take,” emosyonal na pahayag ni Maricar.

Maaaring ang second-hand smoke daw ang naging pangunahing sanhi ng sakit ni Jam ayon sa ina. “Kasi mayroon siyang two days na nasa casino na walang uwian. Hindi ko alam ‘yon. That time akala ko nasa bahay lang siya ng girlfriend niya,” kuwento ni Maricar.

– Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DE VERA

JAM SEBASTIAN

MANILA MEMORIAL PARK-PARA

MARICAR

PAULO

PAULO AVELINO

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with