^

PSN Showbiz

Lumuhod habang nasa eroplano at inayang magsama sila Ogie natipuhan ng mayamang bading na naka-base sa Paris!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ide-deny ko ang ikinuwento ni Ogie Alcasid tungkol sa akin sa presscon kahapon ng Rising Stars ng TV5.

Baka nagbibiro lang si Ogie dahil magkasama nga kami nang magkaroon siya ng show sa Europe noong early ‘90’s.

Kasali ako sa entourage bilang ako ang manager noon ni Gabby Concepcion. Kasama rin namin sa show sina Pinky de Leon at AiAi Delas Alas.

Nabanggit ni Ogie ang name ko dahil nagkuwento siya tungkol sa pa-mhin na  type siyang maging dyowa.

Gulat na gulat si Ogie dahil hindi nito matanggap na may pa-mhin na magkakagusto sa kanya. Hindi raw kasi siya kasing-guwapo ni Gabby Concepcion.

Natatandaan ni Ogie ang name ng pa-mhin na based noon sa Paris at niregaluhan siya ng perfume sa loob ng eroplano at lumuhod pa sa harap niya at inaya siyang magsama na sila bilang mag-dyowa.

Naloka talaga si Ogie sa kanyang kakaibang experience dahil natunton ng pa-mhin ang hotel na aming tinutuluyan at natawagan siya sa telepono sa kanyang kuwarto.

Pinigilan ni Ogie ang sarili na sabihin sa mga repor­ter ang name ng pa-mhin bilang proteksyon sa katauhan nito. Baka hindi alam ng mga kamag-anak  ang secret ng pa-mhin na na-in love sa dyowa ni Regine Velasquez noon, almost 30 years ago.

Maliwanag na maliwanag pa sa isip ni Ogie ang proposal ng pa-mhin na ‘yun sa kanya na labis niyang ikinataka kung bakit siya ang natipuhan samantalang andun naman ang alaga kong si Gabby.

Naungkat nga pala ang tungkol dito kahapon sa presscon ng bagong programa ni Ogie sa TV5 ng Rising Stars Philippines na isang singing contest.

Winwyn kinabibiliban ang kulay sa Binibining Pilipinas 2015

Ginanap kahapon sa Araneta Center sa Cubao ang Parade of Beauties ng Bb. Pilipinas 2015 candidates.

Siyempre, popular si Winwyn Marquez sa mga kandidata na pumarada dahil siya lang ang artista.

Gandang-ganda sa Filipina beauty ang mga usisero na pinagpistahan ang mga kandidata na nag-aambisyon na maging beauty queen.

Malalaman sa March 15 ang mga mananalo ng mga beauty crown and title na ipamamahagi ng Bb. Pi­li­pi­nas Charities Inc., ang organizer ng Bb. Pilipinas.

Lani aminadong umiiyak din, pero kinakaya lang ang mga problema

Live ang phonepatch interview namin kahapon kay Lani Mercado sa Startalk.

Sa interbyu namin kay Lani, pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagdarasal at sumusuporta sa kanyang pamilya.

Nagpasalamat din si Lani sa justices ng Sandiganbayan dahil pinayagan nila si Senator Bong Revilla, Jr. na dumalaw kay Jolo sa Asian Hospital and Medical Center.

Para kay Lani, malaking bagay ang pagbisita ni Bong kay Jolo dahil bumuti ang pakiramdam ng kanilang anak.

Nagbigay din si Lani ng mensahe kay Jolo na “Take it easy. Kailangan maging malakas tayo, ma­ging malakas ka dahil marami pa tayong susuungin sa buhay.”

Ikinuwento ni Lani na sila ni Jodi Sta. Maria ang nagbabantay kay Jolo at hindi totoo ang mga tsismis na may problema sa relasyon ng dalawa.

“Nakasubaybay si Jodi kay Jolo. Halinhinan kami sa pag-aalaga kay Jolo. They support each other. Walang problema sa kanila.”

May sagot si Lani sa mga tao na pinupuri ang katatagan na ipinakikita niya sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nila.

“Tao lang naman ako, umiiyak din naman ako. Hindi ako ganoon katibay,” ang sabi ni Lani na hinahangaan, inspirasyon  at role model ng mga babae na pinanghihinaan ng loob.

vuukle comment

ARANETA CENTER

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

DAHIL

GABBY CONCEPCION

JOLO

KAY

LANI

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with