^

PSN Showbiz

Paulo nailang sa lampungan nila ni Carmina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan na ngayon pa lamang ang ginawang maiinit na eksena nina Paulo Avelino at Carmina Villarroel sa teleseryeng Bridges of Love. Magbibida rin sina Jericho Rosales at Maja Salvador sa nasabing proyekto na malapit nang mapanood sa Kapamilya network.

Ayon kay Paulo ay medyo nailang siyang gawin ang nasabing eksena nila ni Carmina. “Nahihiya ako actually kay Carmina pero at the end of the day, she made me feel comfortable. Parang baligtad eh, tinrato lang namin as professionals and sinunod lang din namin ‘yung bilin at utos ng direktor namin which is we were true to the script,” nakangiting bungad ni Paulo.

Para sa aktor ay malaki ang pagkakahawig ng kanyang role sa totoong buhay pagdating sa pag-ibig. “Si­guro makaka-relate ako to my cha­racter. Kahit naman siguro lahat ng tao may kulang. May kulang lagi na hinahanap mo na hindi mo alam. ‘Yun siguro ‘yung kumbaga hinahanap natin sa buhay. Hindi ko alam kung pag-ibig ba,” makahulugang pahayag ni Paulo.

Samantala, masayang-masaya rin ang aktor na nabigyan siya ng pagkakataon na maka­trabaho sina Maja at Jericho sa bagong soap opera. “It’s my second time to work with Maja and I’m very excited to work with Maja again. I know she’s a good actress. With Echo, I’m very excited also dahil matagal ko na rin siyang gustong maka­trabaho, isa talaga siya sa tinitingala kong artista. Hindi lang dahil magaling siyang umarte kundi parang in a way, nasubaybayan ko rin ‘yung buhay niya bilang artista,” pagtatapos ng aktor.

Maui Taylor nanghihinayang na hindi agad nagkaanak

Magdadalawang taon na sa November ang anak nina Maui Taylor at non-showbiz boyfriend na si Antonio Sabarre. Ngayong may isang anak na ang aktres at ang businessman ay nakakapagplano nang magpakasal ang dalawa.

Hindi raw inakala ni Maui na magkakasundo sila ni Antonio noong una silang nagkakilala. “I met him at his restaurant at The Fort. We really didn’t like each other, as in we hated each other. But who would have thought ‘di ba? Now ended pa having a son and we have plans of getting married in two years. Actually for the longest time we are already talking about it, nauna lang talaga ‘yung baby,” pagbabahagi ni Maui.

Malaki raw ang naging pagbabago sa buhay ng aktres mula nang magkaroon siya ng anak. “Actually masayang magka-baby, masayang magka-family. Lagi ko ngang sinasabi, had I known na ganito pala ang feeling. Sana hindi ako naghintay na kung kailan 33 ako saka ako nagkaanak. Sana earlier pero siyempre God has His own perfect timing and I think I’m at the perfect time that He gave me,” giit ni Maui.

Pinapayagan daw ang aktres ng kanyang ka­sintahan na muling mag-artista basta huwag lamang itong bumalik sa paggawa ng mga sexy ang tema. Reports from JAMES C. CANTOS
                     

vuukle comment

ANTONIO SABARRE

BRIDGES OF LOVE

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

MAUI

MAUI TAYLOR

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with