^

PSN Showbiz

TV personality bipolar, grabe ang pagkaadik sa isang aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang obsession ng isang TV personality sa aktor na iniiwasan siya dahil nasasakal sa extra attention na ibinibigay niya.

May lahi yata na stalker ang TV personality dahil bigla siyang lumilitaw sa bahay ng aktor nang walang abiso.

Malas lang niya dahil hindi siya pinapapasok sa bahay ng aktor kaya waiting in vain ang kanyang drama.

May mga tao na mabilis na ma-in love at ganito ang ugali ng TV personality na sobrang possessive sa mga kaibigan niya, pati na sa aktor na nasakal kaya dinededma na siya.

Nagpapasalamat ang aktor dahil nakahanap siya ng dahilan para hindi na siya kulitin ng TV persona­lity na pinagbibintangan na bipolar dahil sa kanyang mga weirdo na kilos.

Inah Revilla balik-Davao

Binisita ni Inah Revilla-Del Rosario ang kanyang Kuya Jolo Revilla sa Asian Hospital and Medical Center noong Martes at dito na kami nagkita-kita.

Naninirahan na si Inah at ang kanyang pamilya sa Davao City kaya balikan din ang biyahe niya noong Martes.

Isinabay niya ang pagpunta sa ospital sa pagbisita kay Jolo ng kanilang ama na si Senator Bong Revilla, Jr. na pinayagan ng Sandiganbayan na lumabas mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame three days ago.

Jolo nakakalakad at nakakakain na

Ikinatuwa ko ang balita na natanggap ko kahapon na bumubuti na ang kalagayan ni Jolo.

Nakakapaglakad na si Jolo sa kanyang kuwarto, nakakakain, at nakakapunta na sa banyo, mga pala­tandaan na nagiging ma­ayos na ang pakiramdam niya.

Sa totoo lang, kinabahan ako nang makita ko ang sitwasyon ni Jolo nang dumalaw ako sa ospital noong Martes dahil hirap na hirap siya.

Ito ‘yung araw na talagang nagtaka ang kanyang mga doktor dahil lumaki ang tiyan niya pero ma­ganda naman ang resulta ng CT scan. Patuloy ang pagtuturok kay Jolo ng antibiotics para hindi siya magkaroon ng impeksyon sa katawan.

Jillian Ward gumaganda habang lumalaki

Hindi ko namukhaan si Jillian Ward dahil dalagita na siya.

Ten years-old pa lang si Jillian pero malaking bulas dahil may foreign blood siya.

Hindi na malikot na bata si Jillian as in prim and proper na siya.

Hindi na rin niya natatandaan ang kanyang mga ginagawa noong 5-years old siya at bida sa television remake ng Trudis Liit ng GMA 7.

Habang lumalaki, gumaganda si Jillian. Hindi ako magtataka kung marami ang manligaw sa kanya kapag nagdalaga na siya.

Mapapanood si Jillian sa Pari Koy, ang teleserye na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Matagal din na hindi napanood sa primetime si Jillian kaya tuwang-tuwa ito dahil isinama siya ng GMA 7 sa cast ng Pari Koy.

Ticket sa laban ni Pacman wala na talagang mabilhan

Naghahanap si Yasmien Kurdi ng tickets para sa laban nina Papa Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa May 2 pero nabigo siya dahil iisa ang mga sinasabi ng lahat ng mga nakakausap niya, ubos na ang tickets para sa Mega Fight of the Decade.

Hindi nag-iisa si Yasmien dahil marami akong kakilala na nagbabalak na panoorin ang Pacquiao-Mayweather fight at wala na rin sila na mabili na tickets.

Nakakundisyon ang isip ko na manonood ng laban nina Papa Manny at Mayweather. Ang problema lang, wala pa akong tickets dahil hindi naman nag-commit si Papa Manny na mabibigyan niya ako. Nahihirapan din na bumili ng tickets si Papa Manny para sa kanyang sariling laban.

vuukle comment

DAHIL

JILLIAN

JILLIAN WARD

JOLO

NIYA

PAPA MANNY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with