^

PSN Showbiz

Marian napapayag makipaglaplapan kay Glaiza

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sinabi ni Marian Rivera sa launching ng Bench Inner Beauty Perfume scents na sa second week ng buwan na ito na ang taping ng new soap niyang may working title na The Rich Man’s Daughter. Hindi masyadong gusto ni Suzette Doctolero, headwriter ng soap, ang title kaya baka mapalitan pa kahit nag-storycon na sila.

Sometime in April naman ang airing ng soap na sabi ni Marian, opening scene pa lang ay magugulat na ang viewers. Naisip namin na baka kissing scene agad nila ni Glaiza de Castro ang eksena kaya may gulat factor sa viewers.

Bago ang magiging controversial soap, sa Lenten Special ng Eat...Bulaga muna mapapanood si Marian. May pamagat na Aruga ng Puso sa direction ni Bb. Joyce Bernal, nakita namin sa still picture na nananahi si Marian.

Samantala, dati fans lang nina Marian at Heart Evangelista ang nag-aaway sa Instagram (IG). Ngayon, pati fans ni Karylle sumali na sa gulo. Nabuhay ang isyu sa dalawa dahil sa advice segment ni Vice Ganda sa It’s Showtime tungkol sa pagiging two-timer ng mga tao sa pakikipagrelasyon.

Ayaw mag-comment ni Marian dahil hindi naman daw binanggit ni Karylle ang name ni Dingdong Dantes, saka ang tinukoy daw ni Karylle na nag-two time sa kanya ay ang ex na basketball player.

Hindi na rin nagsalita si Karylle, pero ang fans nila ni Marian ang nagbabalitak­takan. Sana matapos na ang isyung ito na waley naman talaga.

Anyway, matutuwa ang Bench sa tsikang mabenta ang Inner Beauty Eau de Toilette at ang body sprays na Perfect Kiss, Perfect Love at Perfect Moment. Pangatlo na ang Bench scents sa endorsement ni Marian sa Bench after ng Bench Apparel at Bench Body.

Nanganganib mawala?! Mga ‘aswang’ apektado sa away nina Dingdong at Direk Erik

Apektado ang franchise ng The Aswang Chro­nicles sa isyu nina Dingdong Dantes at director Erik Matti dahil kung hindi pa maaayos ang problema nila, hindi na siguro matutuloy ang pinaplanong mga susunod na series ng movie.

Pumirma pa naman ng kontrata ang Agosto Dos Productions ni Dingdong, ang Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at direk Erik at ang GMA Films para sa franchise ng The Aswang Chronicles. May nakaplano na ngang part three nito for 2015 MMFF (Metro Manila Film Festival) din yata at papasok na si Marian Rivera.

Kung napanood ninyo ang Kubot: The Aswang Chronicles 2, may cameo si Marian bago mag-ending ang pelikula, hudyat sa pagpasok niya sa part three at siya ang bagong makakalaban ni Macoy (Dingdong).

Vin muntik nang maungusan si Aljur

Mabuti at balik-showbiz na si Aljur Abrenica dahil kung nagtagal-tagal pa siyang nawala, baka tuluyan na itong maunahan ng kapatid na si Vin Abrenica. May TV show si Vin sa TV5, may tinapos din siyang pelikula na Papa’s Boy at may stage play pa.

In fact, naunahan ni Vin si Aljur na lumabas sa teatro dahil kasama siya sa Juego de Peligro. Manonood na lang siya kay Vin sa last performance nito sa Sunday, 3 p.m., sa CCP.

vuukle comment

AGOSTO DOS PRODUCTIONS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ASWANG CHRO

ASWANG CHRONICLES

BENCH APPAREL

DINGDONG DANTES

KARYLLE

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with