^

PSN Showbiz

Hindi pa nakuntento sa pagsalubong sa airport Pacman sinundan ng fans hanggang bahay!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nakuntento ang karamihan sa mga sumundo sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong Saturday night (Sunday lunch time sa atin) sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California.

Karamihan sa mga nagpunta sa LAX ay sumunod pa sa bahay ni Pacquiao sa North Plymouth, Los Angeles.

Ayon sa isang malapit kay Pacquiao na si Nick Enciso, isa sa mga sumundo sa LAX sa ating Pambansang Kamao at sumama sa kanya sa bahay, midnight na ay marami pa rin tao roon at inistima naman daw ng mister ni Jinkee Pacquiao.

Umalis na raw si Nick sa bahay ni Pacquiao pero puno pa rin ng tao roon.

“Sa tingin ko, 3:00 a.m. na nakatulog si Manny,” sey ni Nick.

Nang makausap uli ni Nick si Pacquiao noong Sunday, sinabi raw sa kanya ng Pambansang Kamao na maaga itong matutulog dahil noong Monday mor­ning ay magja-jogging pa ito at may training naman sa Wild Card Gym sa Vine St. sa L.A. ng hapon.

Inaasahang dudumugin siya sa nasabing gym. Medyo mahigpit na roon at hindi lahat ng mga dumadalaw ay pinapapasok habang nagte-training ang Pambansang Kamao.

Pero after naman ng training, naglalaan ng oras si Pacquiao para batiin ang kanyang mga tagaha­nga na nagpupunta sa Wild Card Gym.

Annabelle binitbit ni Eddie sa reunion ng Ina, Kapatid, Anak

Sinamahan ni Annabelle Rama ang mister na si Eddie Gutierrez sa reunion ng cast at staff ng Ina, Kapatid, Anak.

Ayon kay Bisaya, kumpleto ang cast ng nasabing teleserye sa pa-party ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

Si Ariel Rivera lang daw ang hindi nakasipot sa kanilang reunion party.

vuukle comment

ANAK

ANNABELLE RAMA

AYON

DEO ENDRINAL

EDDIE GUTIERREZ

INA

LOS ANGELES

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with