^

PSN Showbiz

Toni nagsukat na ng wedding gown, sa malayong bansa rin gustong mag-honeymoon para ‘di makasunod ang mga magulang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes ay muling pumirma ng exclusive contract si Toni Gonzaga sa ABS-CBN. Isang dekada nang Kapamilya star ngayon si Toni kaya masayang-masaya ang aktres. “Very special ang pagpirma ko with ABS-CBN because I’m celebrating my 10th year as a Kapamil­ya this 2015. I’m happy to renew my contract with them. Kasi in my heart, I’m certified and forever a Kapamilya,” bungad ni Toni.

Magkakaroon daw ng mga kaunting pagbabago sa mga proyektong gagawin ng aktres lalo pa’t nalalapit na ang pagpapakasal nila ng kasintahang si Paul Soriano. “May mga kaunting adjustments doon sa contract but definitely one thing I can assure, no matter what happens I’m still a Kapamilya,” giit ng aktres.

Hindi raw nakikita ni Toni na magkakaroon ng problema kung sakaling magbuntis na siya sa susunod na taon. “Hindi naman siguro. Kaya siguro medyo natagalan ng pag-aayos ng contract kasi may kaunting adjustments but definitely it’s within the contract. Kung ano ang mangyayari sa akin in the future, may adjustments at flexible ‘yung contract for that. I’m happy kasi iba talaga magmahal ang Kapamilya,” pagbabahagi ni Toni.

Kasama sa mga proyektong gagawin ngayong taon ng aktres ang isang bagong reality show at ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother sa June. Muli rin daw gagawa ng teleserye ang aktres pagkalipas ng halos isang dekada. “Parang first time ko yata after eight or nine years,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Nagsu-shooting na rin ang aktres ng pelikula nila ni Coco Martin.

Samantala, hindi pa raw makapagbigay ng eksaktong date si Toni kung kailan ang pagpapa­kasal nila ni Paul. “Nag-fitting na (ng wedding gown), magpa-final fitting na lang. I fly back for the fitting. Siguro ang masasabi ko pa lang, definitely it’s going to be this year. But siguro tatapusin ko muna ‘yung film. I also committed myself to fi­nishing the film with Coco. Tatapusin muna natin ‘yun at saka siguro pwede kong sabihin kung kailan ang date or month ng wedding,” pahayag ni Toni.

Ngayon pa lamang ay excited na raw ang aktres sa magiging honeymoon nila ni Direk Paul na plano nilang gawin sa ibang bansa. “I want to travel with Direk Paul, super talaga. We are trying to look at somewhere far from my parents para ‘di makasunod. Kasi first time naming magta-travel. First time sa lahat kasi nagkita kami sa ibang bansa, kasama ko si mommy at daddy lagi. Ito wala na,” giit ng aktres.               

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKTRES

COCO MARTIN

DIREK PAUL

KAPAMILYA

KASI

PAUL SORIANO

PINOY BIG BROTHER

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with