^

PSN Showbiz

Kapatid ni Cesar nanggalaiti sa galit kay Sunshine

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “Tigilan na ang kabulastugan na ‘yan”, ang mensahe ni Jing Manhilot sa kanyang hipag na si Sunshine Cruz. Si Jing ang nakatatandang kapatid ni Cesar Montano na nasaktan sa bagong kaso na isinampa ni Sunshine laban sa aktor. 

SCENE:  Walang naniniwala sa statement ni Sunshine Cruz na pinoprotektahan nito ang mga anak dahil ang litrato nila ang profile picture niya sa kanyang Twitter account. Sensitive ang kaso na isinampa ni Sunshine laban kay Cesar at menor de edad ang kanilang mga anak kaya hindi dapat nakikita ng publiko ang mga litrato nila bilang proteksyon at para hindi sila madamay sa kahihiyan na dulot ng “ugliest fight” ng kanilang mga magulang. 

SEEN: Ang make over kay Kyla sa unang appearance niya sa ASAP noong Linggo. Nagmukhang sosyal si Kyla sa kanyang new look. 

SCENE: Kahit hindi convincing, marapat lang na ipagtanggol ni Xian Lim ang sarili tungkol sa Albay incident dahil ang kanyang career at mga product endorsement ang nakataya.

SEEN: Pang-promo sa special screening bukas sa UP Film Center ng restored version ng T-Bird at Ako ang pag-amin ni Nora Aunor na may crush siya noon kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

SCENE: Pinakamalakas ang palakpak ng fans kay Kathryn Bernardo sa production number nila nina Julia Barretto, Liza Soberano, at Janella Salvador sa ASAP noong Linggo.

SEEN: Grand finalist sa The Voice of the Philippines si Leah Patricio ng Team Lea Salonga. Kontesera si Leah na Hall of Famer ng Talentadong Pinoy noong 2010. 

SCENE: Ang reunion ng The Hunks nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, at Jericho Rosales sa pre-taped 20th anniversary show ng ASAP na mapapanood sa Linggo, March 1.

 

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BERNARD PALANCA

CARLOS AGASSI

CESAR MONTANO

DIETHER OCAMPO

FILM CENTER

LINGGO

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with