^

PSN Showbiz

Mga gustong sumali nag-atrasan, pa-auction ng mga ari-arian ni Dolphy hindi natuloy1

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Meryll Soriano na pala ang napiling lea­ding lady ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Ponzy na ididirek ni Erik Matti.

Matagal bago napagdesisyunan kung sino ang ipa-partner sa Kapamil­ya actor, at nung nakaraang linggo lang nilang napagkasunduang mas bagay si Meryll na gaganap na asawa nito.

Nagsimula nang mag-shoot si John Lloyd ng naturang project na kinunan sa Pampanga at ang ilang eksena ay sa Baguio.

PAK: Bago pa namin nakita sa Instagram account ni Diana Zubiri na engaged na siya, nai­ku­wen­to na sa amin ng magkasintahang Will De­vaughn at Roxee B na engaged na nga raw ang kanilang kaibigan.

Tuwang-tuwa si Roxee dahil pagkatapos ng ka­sal ng best friend niyang si Marian Rivera, si Diana na ang susunod.

Wala naman daw pressure sa kanya kung siya na ba ang susunod. Basta masaya naman daw siya ngayon sa relasyon nila ni Will na magta-tatlong taon na.

Kinuhang endorser ng JC Pre­­miere sina Will at Roxee B at simula pa lang daw ito ng kanilang partnership ng sisimulan nilang negosyo sa natu­rang networking company.

BOOM: Hindi pala natuloy ang auction ng mga properties ni Mang Dolphy na dapat ay gagawin sa Dolphy Theater nung nakaraang January 31.

Wala pa raw sa limang auctioneer ang nag-con­firm na darating dahil ang karamihan ay umatras nang nalaman nilang gagawin ito in public.

Natakot daw sila nang nalamang open ito sa lahat na iku-cover ng media.

Kuwento ni Epi Quizon, nag-decide raw silang huwag na lang ituloy dahil sa hindi pa raw ganun ka­sanay dito sa Pilipinas ang ganung tipo ng auction. Kaya parang silent auction na lang daw ang ginawa nila na ang iba ay napagkasunduan nang ibenta sa highest bidder.

Pero ang iba raw ay hinold na muna nila dahil nagkainteres daw ang ibang kapatid na sa kanila na lang muna at huwag nang ibenta.

Hindi naman daw isyu sa kanilang magkakapatid ang hatian ng mga nabentang properties dahil pangako raw nila sa kanilang ama na walang mag-aaway sa hatian ng mana.

“Unang-unang pangako namin sa kanya na hindi kami mag-aaway. ‘Yan ang pangako namin sa kanya. Baka multuhin pa ako ng tatay ko ‘di ba?” natatawang pahayag ni Epi.

 

vuukle comment

DAW

DIANA ZUBIRI

DOLPHY THEATER

EPI QUIZON

ERIK MATTI

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

ROXEE B

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with