^

PSN Showbiz

Enrique wala nang planong pakawalan si Liza

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May unawaan na pala ang magka-partner sa te­leseryeng Forevermore na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Pero on hold pa ito sa gagawin niyang panliligaw sa dalaga. Gustung-gusto na niyang simulan ang panliligaw sa sinasabi niyang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon, pero hindi pa niya magawa hangga’t wala pa ito sa sapat na gulang (18 years old).

For sure naman, hindi paghihintayin ni Liza si Enrique sa isang relasyong walang katiyakan. Kayo, ano sa palagay n’yo?

Jay-R napagkamalan lang ng girlfriend

Blessed din pala ang love life ni Jay-R. Mula rin sa angkan ng show business, si Mica Javier ay isa ring singer. Hindi sinasadya ang pagkakakilala nila. Napagkamalan lamang ni Mica si Jay-R na kakilala kaya binati niya ito na sinamantala naman ni Jay-R. Hindi na tinigilan ng binata ang pagti-text dito na sa kalaunan ay humantong sa kanilang pagkakaunawaan.

Kasama si Jay-R sa isang benefit concert na magaganap ngayong araw na ito sa Ynares Sports Arena sa Shaw Blvd. na pinamagatang Saludo Fallen 44. Mabibiyayaan nito ang pamilya ng 44 na namatay na mga pulis sa Mamasapano. Bawa’t isang pamilya ay tatanggap ng one full college scholarship.

James at Nadine seseryosohin na ang ‘pag-iibigan’

Pangangatawanan na nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang love­team. Kung dati ay trabaho lamang ito para sa pareha, ngayon ay ginawa nang full blown ang tambalan nila. Though wala munang lovelife outside of their loveteam. Kung dati ay nakikita pa sila with other partners, stop muna ito.

Tama nga naman. Andun na sila, bakit pa nila ito pakakawalan? Ang dami nilang followers. If they can’t be lovers, at least they can be friends.

Melanie mina-’murder’ sa pagsali ni WinWyn sa Binibini

Para namang unfair na sabihin na sana ay hindi magmana si Winwyn Marquez sa kanyang tiyahing si Melanie Marquez na palpak sa kanyang pag-i-Ingles. Sa kabila ng kapalpakan ni Melanie ay nagawa pa rin niyang manalo bilang Miss International at inagat ang bandila ng bansa na hindi nagawa ng maraming mas maganda at magaling mag-Ingles kaysa sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk.

Ken ang lakas ng loob, planong ligawan si Carla

Wagi ang baguhang si Ken Alfonso sa pagtatapat ng damdamin niya kay Carla Abellana. Marami ang nagsasabing napakalakas ng loob niya na sabihin ito gayung alam niya na taken na ang aktres ni Tom Rodriguez.

Lumalabas ang binata sa teleseryeng Kailan Pa Tama Ang Mali na nagtatampok kina Geoff Eigenman, Max Collins, Empress Schuck, at Dion Ignacio.

Mukhang ginagaya ni Ken ang role ni Dion sa series sa ginagawa nitong pang-aakit kay Max gayung alam niya na asawa na ito ni Geoff.

Unang nakita ni Ken si Carla nang mag-guest siya sa Ismol Family at nagalingan siya agad at na-attract dito.

Bukod sa kanyang pag-aartista ay isang promising singer din si Ken, na nakagawa na ng isang album at ang single nitong Umaasa ay paboritong i-request sa mga FM station.

Kung gimik ngang maituturing ang ginawa niyang pag-o-open ng kanyang admiration kay Carla, aba eh, nagtatagumpay siya. Marami na ang interesadong makita’t makilala siya.

vuukle comment

ANG MALI

CARLA

CARLA ABELLANA

DION IGNACIO

EMPRESS SCHUCK

JAY-R

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with