^

PSN Showbiz

Heart hindi pa rin makapaniwalang Mrs. Escudero na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mas excited si Ogie Alcasid kesa sa kabado sa kanyang concert na OPM MuSIKATin na gaganapin sa Philippine Arena mamayang gabi.

First time niyang mag-perform sa mahigit 50 thousand na seating capacity ng arena kaya malaking challenge daw ito sa kanya.

Ang isa kasi sa excited si Ogie at proud siya sa gagawin nilang number ay ang tribute nila sa Fallen 44, Inaayos nilang makadalo ang pamilya ng mga naiwan ng mga police commandos na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

PAK: Dinagsa ng napakaraming bisita ang reception ng kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, na ginanap sa Blue Leaf  kamakalawa ng gabi.

Ang inaabangan nung gabing iyun ay kung dadalo ba ang magulang ni Heart na no show sa kanilang kasal sa Balesin Island. Pero hindi pa rin sila dumating.

Masayang-masaya si Heart nung gabing iyun, dahil nakikita raw niyang naging bahagi sa pagtitipong iyun ang mga taong nagmamahal sa kanya.          

Kinabukasan ay nag-post si Heart sa kanyang Instagram account ng; “I still can’t believe I’m Mrs. Escudero.”

BOOM: Si Anjanette Abayari ang special guest ng Startalk bukas, para pag-usapan ang kanyang pagbabalik sa showbiz.

Bukod sa pinagdaanan niya sa kasong kinasangkutan sa Guam, muling mauungkat ang isyu ni Anjanette sa dating kasintahang si David Bunevacz.

 Inamin ni Anjanette na nung nasa Amerika siya, ay may mga ginawa si David na mga gamit niya rito.

 Naibenta pala ni David ang Rolex watch niya at ang kotse. Balak pa raw sana nitong ibenta ang condo na pag-aari niya, pero mabuti na lang at nahabol nila.

Pagbalik daw ng tiyuhin niya galing Amerika ay nagawa pa raw ma-trace ang bumili ng kotse kaya nabawi pa nila ito. Pero ang Rolex watch daw ay wala na silang nagawa.

Magmula nun ay hindi na raw niya nakausap si David, at kahit nasa Amerika na rin ang dating kasintahan, hindi naman daw sila nagkita roon.

vuukle comment

AMERIKA

ANJANETTE

ANJANETTE ABAYARI

BALESIN ISLAND

BLUE LEAF

CHIZ ESCUDERO

DAVID BUNEVACZ

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with