^

PSN Showbiz

Lasang gatas daw Luis Alandy nasarapan sa dugo ng cobra

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sina Luis Alandy at TJ Trinidad ang nababalitang makakasama ni Marian Rivera sa bago nitong soap sa GMA-7. Nag-look test na si Luis kahapon at susunod na sigurong maglu-look test si TJ. At kung matutuloy ang dalawa, first time nilang makakatrabaho si Marian.

May mga lumulutang na ring pangalan ng aktres na makakasama ni Marian sa soap, ang dalawa sa kanila’y nakasama na nito sa soap din ng GMA-7. Kundi mapapalitan ang isa, ngayon pa lang siya makakatrabaho si Marian.

Isa kami sa nagwi-wish na mapasama si Luis sa cast ng soap ni Marian dahil mahusay itong aktor. At sana, patikimin uli siya ng Ch. 7 ng primetime soap. Kasama siya sa Second Chances, pero guest role lang at ilang araw lang lumabas.

Si Dominic Zapata ang director ng sinasabing out-of-the-box character na gagampanan ni Ma­rian. Hindi na bago kay Direk Dom ang mga kakaibang concept ng soap dahil siya rin ang director ng My Husband’s Lover.

Nakakaloka pala ang video post ni Luis sa Instagram (IG) na uminom siya ng dugo ng cobra. Lasang gatas daw ang kanyang ininom na in fairness, marami-rami rin.

Ogie walang planong mag-change costume sa MuSIKATin

Nai-imagine na namin kung gaano kasaya ang No Harm, No Foul sitcom na gagawin ni Ogie Alcasid sa TV5 kasama ang ilang magagaling at sikat na PBA players. Siguradong paglalaruan ang agwat ng height ni Ogie at sa mga basketbolista na kabibilangan ni Gary David.

Sayang at tila hindi makakasama si Marc Pingris dahil mapupuyat daw sa taping. Iyong ibang players, ayaw pang pangalanan ng TV5 pati ang director at ibang makakasama sa cast. Mabuti at nabanggit ni Sophie Albert na isa siya sa cast.

Samantala, bukas na ang MuSIKATin: Musikang Sikat sa Atin ang concert na pangungunahan ni Ogie sa Philippine Arena. Umaasa si Ogie na kahit malayo ang venue, marami pa rin ang manood sa pure OPM concert na ibibigay nila ng co-performers niya.

Sabi ni Ogie, nasa stage siya sa buong concert, kaya ‘wag siyang hanapan ng audience na magpapalit siya ng damit. Also, wala si Regine Velasquez dahil katatapos lang ng Valentine’s Day concert nito.

Si Maestro Ryan Cayabyab ang musical director nito at si Paolo Valenciano ang director.

Gabby nagpapalaki ng katawan

Sa latest post ni Gabby Eigenmann sa Instagram (IG), balik-gym siya bilang paghahanda siguro sa two new projects niya sa GMA-7. Parehong March ang airing ng primetime series na Pari ‘Koy at ang weekly series na InstaDad na kanyang pinagbibidahan.

Nagpaalam na si Gabby sa cast ng Once Upon a Kiss at nag-last taping day na rin siya kung saan ilang episodes na lang siya mapapanood bilang si Father Madz. Tama ang sinabi ni Gabby sa presscon ng OUAK, hindi pa ito ang project na kasunod sa pinagbidahan niyang Dading.

Martin at Lea tutulong sa mga naulila ng Brave 44

Sa February 23, sa The Theater ng Solaire Casino and Resort gagawin ang nabanggit ni Martin Nievera na fund-raising concert para sa pamilya ng Brave 44 (ayaw nilang tawaging Fallen 44 ang SAF heroes). Sila nina Lea Salonga at Aiza Seguerra ang nasa likod ng fund-raising concert para makatulong sa naiwang pamilya ng Brave 44.

Billed Jammin’ for Help ang fund-raising concert at kabilang sa performers sina Ogie Alcasid, Dulce, Gloc 9, Christian Bautista, Noel Cabangon, Erik Santos, Liza Diño, Angeline Quinto, Rachel Alejandro, Niño Alejandro, Nyoy Volante, Basti Artadi, Jon Santos, Sitti, Tres Marias, The Company, The Dawn, at marami pang iba.

Si Paolo Valenciano ang director nito at si Gerard Salonga ang musical director. Hindi sinabi kung magkano ang tiket sa concert.

Anyway, tama ba ang nabasa namin na Anj ang pangalan ng “special someone” ni Martin?

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGELINE QUINTO

BASTI ARTADI

CONCERT

LUIS

OGIE

OGIE ALCASID

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with