^

PSN Showbiz

Aktor ayaw sa magalang Piolo nilalayasan si Sarah kapag panay ang ‘po’!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo dahil matutuloy na ang pelikulang pagtatambalan ng dalawa.

Matatandaang napabalita kamakailan na hindi na umano matutuloy ang proyekto. “For a time nagkaroon kami ng problem sa script. So tuloy na siya ngayon, nagkaroon ng tweaking sa story. Maganda siya, hindi ko pa puwede sabihin pero kakaiba ang concept. I’m excited and at the same time I’m scared. Meron ka­sing requirements na hinihingi, I have to learn to play something and maraming hinihingi ang role. As soon as ma-confirm na ang story, sisimulan na ang shooting. So hopefully within the year maipapalabas ang pelikula,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Romantic-comedy ang tema ng bagong pelikula ng aktor at ng Popstar Princess. “Mahirap lang ikuwento pero pareho pa namin ito hindi nagagawa sa isang movie. Hindi mo maaalis ang love team eh. Iyon ang formula sa atin, iyon ang hinahanap ng mga tao. For a time, I went indie because I want to think out of the box and do something different. Pero babalik at babalik ka pa rin sa mainstream which is rom-com. I don’t mind, I’m just an actor, a team player at gagawin ko lang kung ano ipagawa sa akin,” paliwanag ni Piolo.

Kinakailangan daw munang makapag-bonding nang matagal-tagal nina Sarah at Piolo para hindi magkaroon ng ilangan kapag nagsimula na ang shooting ng pelikula. “Actually, nag-uusap na kami pero lagi siya nagpo-‘po’. Kaya tumatayo na ako, umaalis na lang ako,”  natatawang kuwento ng aktor. “Si Sarah napakagalang na tao pero okay naman, mas kumportable na siya siguro ngayon. We just really have to break the ice kasi matagal na kami magkasama sa ASAP, more than ten years,” dagdag pa niya.

Coco malapit nang ligawan si Julia

Personal na hiniling ni Coco Martin na mu­ling makasama sa isang proyekto si Julia Montes.

Muling magkakatambal ang dalawa para sa Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasures.

“Honestly, no’ng pinresent sa akin ‘yan, sabi ko talaga sana kasama ko si Julia. Siyempre alam ko na every time na may nakakausap ako, ‘Sana magkasama kayo sa soap.’ Alam ko na marami akong gagawing pelikula na hindi kami magkakasama. At least dito, bago matapos ang taon ay mayroon man lang kaming magawang proyekto na magkasama kami,” pagbabahagi ni Coco.

Masayang-masaya naman si Julia dahil siguradong marami na naman siyang matututunan mula sa aktor. “Every time na tinatanong ako, siya ang actor na gusto kong makasama sa trabaho. Kasi every time na katrabaho ko siya, ang dami kong natututunan. Dito, alam ko na madami na naman akong matututunan mula sa kanya,” pahayag ni Julia.

Noon pa napababalitang may espesyal nang namamagitan sa dalawa pero nililigawan nga ba ni Coco si Julia? “Pinangungunahan n’yo, mauudlot. Pero hindi pa, hindi pa. Wala pa naman, nakakatuwa din, kasi maraming tao na sila ang nae-excite para sa amin at nakakatuwa na alam naming nagiging effective kami sa bawat proyektong ginagawa namin,” sagot ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA

JULIA MONTES

PERO

PIOLO

PIOLO PASCUAL

POPSTAR PRINCESS

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with