^

PSN Showbiz

Houseum ni Yexel Sebastian sisilipin!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasukin ang “houseum” - ang bahay na ginawang museum - na naglalaman ng mga paboritong laruan ni Yexel Sebastian ngayong Miyer­kules sa Powerhouse sa GMA7.

Naisipan ni Yexel, kapatid ng Youtube sensation na si Jam ng Jamich, na pagkakitaan ang kanyang koleksyon ng mga laruan. Hindi ordinar­yong laruan o “hot toys” ang makikita sa kanyang koleksyon kung hindi life-size figures ng iba’t ibang bida sa video games pati na mga sikat na karak­ter sa mga pelikula. Pero ang pinaka-astig daw sa  lahat ay ang 18-feet Optimus Prime bust na pinakamalaki sa buong Asya na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.

Bukas sa publiko ang tahanan ni Yexel. Sa ngayon ay may dalawang bahay pa ang kanyang mga koleksyon na matatagpuan sa Boom na Boom at sa Manila Ocean Park. Abala rin si Yexel sa  kanyang Youtube Channel na tinatawag na Yexel Channel. Ang kapatid niyang si Jam ang nakaimpluwensya kay Yexel sa paggawa ng online videos.

vuukle comment

ABALA

ASYA

BUKAS

MANILA OCEAN PARK

OPTIMUS PRIME

YEXEL

YEXEL CHANNEL

YEXEL SEBASTIAN

YOUTUBE CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with