^

PSN Showbiz

Ganu’n kagarbo! Debut ni Julia tinatayang mahigit P-5M ang gastos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista last February 15 at bago ang wedding nina Patrick Garcia at Nikka Martinez sa March 21, 2015, ang debut ni Julia Barretto sa March 10 ang next big event sa showbiz.

Nauna nang nabalitang si Michael Cinco ang gagawa ng gown ni Julia, maaga rin ang food tasting at maaga rin ipinadala ang invitation sa mga imbitado. Nag-shoot din ng video at pictorial si Julia para pa rin sa kanyang debut.

Ang hinihintay ngayon ay kung sino ang mga imbitado at kung dadalo sa debut ng anak si Dennis Padilla at ang tita ni Julia na si Gretchen Barretto. Bali­ta kasing may conflict sina Gretchen at mom ni Julia na si Marjorie Barretto.

Inaabangan din kung gaano kagarbo ang debut ni Julia dahil sa tsikang P5-M ang budget sa buong party. Baka nga mas malaki pa sa na-quote na figure ang magagastos sa debut ni Julia.

P100-K ang singil kada kanta singer-actress OA ang TF kahit mas kilala naming actress

Muntik mahulog sa kanyang kinauupuan ang taong kausap ng manager ng isang singer-actress para sa isang show outside Metro Manila.

As in, wala pang isang oras ang travel sakay ng eroplano kaya hindi ini-expect ng taong ito na prepresyuhan ng sobrang taas na talent fee ang pagkuha niya sa singer-actress.

For two songs, P200,000 ang hininging talent fee ng manager para sa kanyang alaga o P100,000 per song na masyadong mahal para sa taong gustong kunin ang singer-actress lalo’t mas kilala siyang artista kesa singer.

Hindi niya natawaran ang TF ng singer-actress at biglang nagkaroon ito ng ibang schedule nang hindi maibigay ng kumukuha sa kanya ang TF na hinihingi ng manager.

Nanghinayang lang ang kumausap sa manager dahil maraming fans ang singer-actress sa lugar na pinag-imbitahan sa kanya. Requested siya ng fans na disappointed nang malamang hindi siya makakarating sa lugar nila dahil lang sa TF.

Kanta ni Aicelle nagustuhan din ng ilang kapwa singers

Kinanta ni Aicelle Santos sa presscon ng kanyang Class A concert ang bago niyang single na Kapangyarihan ng Pag-ibig. Kapag nag-click ang single, baka full album na ang sunod niyang gawin. Kasama rin ang bagong single sa repertoire ni Aicelle sa kanyang concert sa February 25 sa PETA Theater.

Masaya rin na ibinalita ni Aicelle na available na sa iTunes ang kanyang single. Composition ito ni Jungee Marcelo at released ng Ivory Records. Natuwa si Aicelle na pati kapwa singers ay nagustuhan ang new single niya gaya nina Jay-R at Mark Basa na magagaling na singers.

“Sana” ang sagot ni Aicelle kung wish niyang manonood si Jonalyn Viray na kasama niya dati sa La Diva. Kahit sinabi na nila nina Jonalyn at Maricris Garcia na wala silang gap dahil sa pagkabuwag ng La Diva at kahit sinabi ni Aicelle na mutual decision nilang tatlo na buwagin ang grupo, may mga hindi pa rin naniniwala.

Nakita namin nang hindi sila magbatian sa concert ni Frencheska Farr, October last year. Sina Aicelle at Maricris ang magkasama at iba ang kasama ni Jonalyn.

Bagong game show ng Kapamilya kakaiba ang ‘drama’!

Nakakatuwa ang show na ipapalit ng ABS-CBN sa The Voice dahil gagayahin ng celebrity contestants ang kapwa celebrities nila.

May pamagat na Your Face Sounds Familiar ang show na malapit na ang airing. Ang hindi lang malinaw sa amin ay kung pati local celebrities ay gagayahin din ng mga artista at singer na contestant.

Pumayag na ang mga male celebrities na mag-ayos at magbihis babae ‘pag female celebrities ang gagayahin nila.

vuukle comment

ACTRESS

AICELLE

AICELLE SANTOS

CHIZ ESCUDERO

CLASS A

DENNIS PADILLA

JULIA

LA DIVA

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with