^

PSN Showbiz

Sarah hindi pa rin alam ang gagawing pelikula

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala aware si Pop Princess Sarah Geronimo na balak siyang itambal ng Viva Films sa Korean superstar na si Lee Min Ho na minsan nang nakarating ng Pilipinas nang siya’y humarap sa local entertainment media dahil sa kanyang pagiging international celebrity endorser ng Bench. Wala pa umanong sinasabi kay Sarah ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario. If ever man daw na ito’y matutuloy ay exciting ito at matutuwa siya.

Si Sarah ang pinakabagong celebrity endorser ng San San Cosmetics na ang mga naunang endorsers ay sina Kris Aquino at Kristine Hermosa.

Pinakaunang serye nina James at Nadine pinananabikan na

Masayang-masaya ang fans ng JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre dahil bukod sa kanilang movie na ginagawa ngayon under Star Cinema and Viva Films na Para sa Hopeless Romantic ay magkakaroon sila ng kanilang kauna-unahang TV series na On The Wings of Love.

Since first time nina James at Nadine na magkakaroon ng serye ay hindi nila maiwasan ang ma-excite at ma-pressure lalupa’t pawang veteran stars ang kanilang makakasama sa cast which include Cherry Pie Picache at Joel Torre. Makakasama rin sa serye ang binatang anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde, na si Arjo Atayde.

Ang JaDine love team ang inaasahang susunod na pinakamainit na team-up after KathNiel nina Katryn Bernardo at Daniel Padilla.

Regine inuna ang fans kaysa sa anak

Ipinakita ng Asia’s Songbird na si Re­gine Velasquez ang kanyang professio­nalism nang siya’y magtanghal sa kanilang two-night sold out concert na Ul­ti­mate kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Lani Misalucha sa MOA Arena last February 13 & 14 sa kabila ng pagsugod sa anak nila ni Ogie Alcasid sa pagamutan dahil sa pagsusuka nito.

Ogie took care of Nate at lumuwag lamang ang pakiramdam ni Regine nang ibalita sa kanya ng kanyang mister na okey ang lagay ng kanilang anak. Pero naroon pa rin siyempre ang pag-alaala ng Songbird sa kanyang anak.

Kung tapos na ang sold-out Ultimate concert, aabangan naman ngayon ang February 20 concert ni Ogie sa Philippine Arena, ang MuSIKATin kung saan special guest performers  ang mga music icons na sina Hajji Alejandro, Rey Valera, at Vernie Varga. Kasama rin sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Angeline Quinto mula sa direksiyon ni Rowell Santiago with Maestro Ryan Cayabyab as musical director.

Alonzo may malaking birthday party sa Linggo

May aabangan ang publiko na pro­duct endorsement ni Alonzo Muhlach na gustong-gusto ng pinakabagong child star.

Dahil may confidentiality clause ang kontrata ni Alonzo, hindi pa puwedeng i-reveal ang produkto until the time of the launch of the product.

Alonzo is turning 5 on Thursday, February 19 pero ang kanyang big kiddie party ay gaganapin sa Linggo, February 22 na inaasahang dadaluhan ng kanyang mga kasamang bata sa Goin’ Bulilit at maging sa Inday Bote, his classmates at iba pa niyang friends.

Ang favorite character ni Alonzo na si Baymax ng Big Hero 6 ang magiging theme ng kanyang birthday.

Still on Alonzo, simula sa araw na ito ay co-managed na si Alonzo ng Viva at ng inyong lingkod.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANGELINE QUINTO

ARJO ATAYDE

ART ATAYDE

BIG HERO

BOSS VIC

CHERRY PIE PICACHE

DANIEL PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with