^

PSN Showbiz

Heart maghihinay-hinay muna sa trabaho, gustong magpaka-misis kay Sen. Chiz

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nangako si Gian Magdangal kay Aicelle Santos na uuwi siya ng bansa para panoorin ang first concert niya, ang Class A sa PETA Theater sa February 20.

Naging close sila sa musical play na Katy, pero hanggang dun lang daw sa stage na iyon ang kanilang pagkakaibigan. Nabigyan lang daw ng malisya ang closeness nilang dalawa.

“Sa stage lang kami. May chemistry lang talaga,” pakli ni Aicelle.

“Ang closeness naman namin professional, kasi I really learned a lot from him,” sabi pa niya.

Dahil nga sa “closeness” na sinasabi nila, uuwi sandali si Gian mula Hongkong para panoorin lang ang kanyang concert.

PAK: Back to work na raw ang bagong kasal na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na nagpakasal sa Balesin island nung kamakalawa lang.

Magkakaroon muna sila ng reception dito sa Blueleaf at pagkatapos nun ay babalik na sa Startalk si Heart.

Hindi pa masabi ng Kapuso actress kung may gagawin na siyang drama series sa GMA-7.

Okay naman daw muna sa kanya ang Startalk at Sunday All Stars. Magiging limitado na rin naman daw ang oras niya sa trabaho dahil gusto naman daw niyang ibigay iyon sa kanyang asawa.

Pero ang isa pa sanang gustong ayusin ni Heart ay ang kanyang magulang na hindi dumalo sa kanyang kasal.

Hindi napigilan ni Heart na maiyak sa sulat ng kanyang ama na binasa ng kanyang kapatid.

Bumigay na siya sa sinabi ng kanyang amang; “When the day comes that I see both of you truly happy, when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking at your door.”

BOOM: Inilabas ng Startalk ang isang exclusive story nila tungkol sa dating taga-That’s Entertainment at miyembro ng trio na Quamo na si Roniel Wolfe.

Halos dalawang taon na pala itong nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa kasong droga.

Ang sabi ni Roniel, hindi raw siya nadalaw ng pamilya niya, ng kanyang inang si Annie Brazil at kapatid na sina Richard Merck at Rachel Anne Wolfe.

Nandito pala ang ina ni Roniel na si Annie dahil meron siyang show nung nakaraang Valentine’s Day.

Napanood niya ang naturang interview sa Startalk at tila hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng anak. Nadalaw pala niya minsan si Roniel, pero nakikita raw niyang hindi pa pa rin ito nagbabago.

Pati si Richard Merck ay tila wala rin balak na dumalaw dahil parang napuno na sila sa mga ginawa ni Roniel.

Ilang beses na raw nilang binigyan ito ng pagkakataong magbago, pero mukhang ganun pa rin daw.

Hindi pa nila masasabi sa ngayon kung balak ba nilang dalawin ito.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ANNIE BRAZIL

CHIZ ESCUDERO

CLASS A

GIAN MAGDANGAL

KANYANG

RICHARD MERCK

RONIEL

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with