^

PSN Showbiz

Cesca hindi itinuloy ang kasal sa Balesin para kina Heart at Sen. Chiz!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa conflict ng schedule sa wedding nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na ginanap sa Balesin Island in Quezon, hindi na itinuloy ng bagong couple na sina Cesca Litton at Tyke Kalaw ang kanilang original plan na sa nasabing exclusive beach resort gawin ang kanilang kasal last February 14. 

Kahit naurong to February 15 ang kasal nina Sen. Chiz at Heart to February 15, pinili nina Cesca at Tyke na sa Sakaya Beach Resort & Spa sa Panglao Island in Bohol nung Araw ng mga Puso ang kanilang wedding.

Bukod kina Cesca at Tyke, ang isa pang celebri­ty couple na ikinasal last February 14 ay sina Yeng Cons­tantino at Victor “Yan” Asuncion na kasalukuyang nasa Maldives for their honeymoon na ikinasal naman sa Tagaytay.

Samantala, gaano man kapribado at exclusive ang wedding nina Sen. Chiz at Heart last February 15 sa Ba­le­sin Island in Quezon Province, matutunghayan ang ka­nilang wedding at reception sa isang two-part TV spe­­cial on March 1 & 8 sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA na pinamagatang Chiz & Heart: Love, Fi­nally na pinamahalaan ng director na si Rico Gutierrez.

Lolo ni Alonzo wala na raw sariling identity

Natatawa kami sa kuwento ng lolo ni Alonzo Muh­lach at ama ng original Child Wonder Niño Muhlach na si Alex Muhlach. Dati rati raw ay nakilala siya bilang kapa­tid ni Amalia Fuentes. Sumunod naman dito ang pagiging ama ni Niño Muhlach at pagiging tiyuhin ni Aga Muhlach. Sa kalaunan ay kilala siya ngayon bilang lolo ng bagong child superstar-in-the-ma­king na si Alonzo Muhlach.

“Mukhang wala na akong sariling identity,” biro ng successful businessman behind Muhlach Enzaymada.

Noong kasagsagan ng kasikatan ng kanyang anak na si Niño, ang D’ Wonder Films ng magkapatid na Alex at Cheng Muhlach ang nag-produce ng mahigit 30 highest grossing films ng kanyang anak.

Dahil sa pagiging masinop ni Alex, naipagpatayo niya ng buil­ding si Niño, ang El Niño Apartment na matatagpuan sa N. Domingo, Cubao, Quezon at inilagay sa trust fund ang kinita ng anak na nakuha lamang nito pagda­ting nito ng 21.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALEX

ALEX MUHLACH

ALONZO MUH

ALONZO MUHLACH

AMALIA FUENTES

CHIZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with