^

PSN Showbiz

Puro beterano kasi ang makakasama Nadine napi-pressure sa serye nila ni James

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang magtambal sa isang soap opera sina Nadine Lustre at James Reid na mapapanood sa Kapamilya network, ang On the Wings of Love.

Masayang-masaya sina James at Nadine dahil magkakaroon na sila ng isang malaking teleserye sa ABS-CBN. “I’m thankful and I’m glad we get to do this together. We’ve gone through this whole journey together and I’m really glad. It’s hard to digest and to actually realize that we have a teleserye to ourselves. It’s ours so we feel a lot of pressure but we’re so excited. I’m really excited but I don’t know what to expect yet. It’s going to be a learning experience,” nakangiting pahayag ni James.

Nakararamdam na rin daw ng pressure si Nadine lalo pa’t mga beteranong artista ang kasama nila ng aktor sa nasabing proyekto. “Kami lang ni James ‘yung ngayon pa lang magso-soap. Everyone else in the cast has been doing soaps na so we are really excited. I’m pressured lang for myself to always be consistent in doing my best talaga and para maging consistent na 100% lagi ‘yung effort,” paliwanag ni Nadine.

Medyo lumipas na rin daw ngayon ang pagkukumpara ng mga tagahanga sa tambalan ng dalawa at kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. “Medyo nag-die down na din ‘yung pagko-compare but then we’re just really happy na may project kami, and that we’re doing well pa rin. Medyo nag-die down na kasi ‘yung issue,” makahulugang pahayag ni Nadine.

Hindi na kasi nadidiligan!

Eula madalas atakihin ng anxiety attack

Madalas daw na nagkakaroon ng anxiety attack si Eula Valdez o nakararamdam na ng sintomas sa pagme-menopause. “Hindi na kasi ako bata, 46 na ako eh. ‘Yang menopause na ‘yan, nakakaloka pala talaga. As in nakakaloka talaga,” bungad ni Eula.

Nakakadagdag pa raw sa pakiramdam ng aktres ang pagiging malayo ng kasintahang model na si Rocky Salumbides. “Isa na rin siguro ‘yon kaya nagkakaroon ako ng anxiety attack. Biglaan kasi ‘yung pagpunta niya sa Amerika. November pa siya sa States, March 6 pa ang balik niya. Ngayong February may fashion week siya sa New York. Sayang daw ang opportunity, baka sakali daw,” kuwento ng aktres. 

Kahit matagal nang magkasintahan sina Eula at Rocky ay hindi pa rin daw makapagpakasal ang dalawa. Kasal pa rin kasi ang aktres kay Richard Litonjua na nakabase na ngayon sa Australia. “Malabo pa eh. Kasi hindi pa ako annulled. Siguro kapag annulled na ako, wala pang nagpa-file eh. saka na siguro,” giit ni Eula.

Samantala, kasundung-kasundo naman daw ni Rocky ang mga anak ng aktres na sina Miguel (anak kay Ronnie Quizon) at Julianna (anak kay Richard).

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

DAW

EULA

EULA VALDEZ

JAMES REID

KATHRYN BERNARDO

MEDYO

NADINE

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with