^

PSN Showbiz

Dennis tikom ang bibig sa balikan nila ni Jennylyn!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magbibigay ng update ang Sunday All Stars ng kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Halos lahat na taga-SAS ay nasa entourage ng kasal ni Heart kaya magbibigay na lang sila ng update sa mga nagaganap sa Balesin Island.

PAK: Magka-holding hands sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na kinanta ang After All sa concert ng una na Oo Na, Ako na Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako! na ginanap sa SM Skydome kamakalawa ng gabi.

Buong kanta ay magkahawak ang kanilang kamay kaya napapagdudahang mukhang nagkabalikan talaga sila.

Sabi ni Jennylyn, wala raw talagang balikang nangyayari. Pinapalabas lang daw nila kung ano ang tamang emosyon sa kinakanta nilang dalawa.

Natutuwa lang daw siya at nakatrabaho raw niya uli ang dating boyfriend.

Si Dennis naman ay ayaw magsalita. Hindi talaga siya sumagot sa mga tanong namin tungkol sa kanila ni Jennylyn.

BOOM: Hindi pa masasabi sa ngayon ni AiAi delas Alas kung matutuloy sa demandahan ang problema nila ni Jacob Fernandez na producer ng na-cancel niyang Valentine concert.

“Tatanungin ko na lang muna ang abogado ko. Depende lang kung ano ang mangyayari,” pakli ng Comedy Concert Queen.

Gusto raw ni Jacob makipag-usap sa kanya, pero ayaw na raw harapin ito ni AiAi.

Ang abogado na lang daw niya ang haharap kay Jacob. Pero pinagdiinan ni AiAi na hindi totoong na-postpone ang show, kundi kanselado na raw talaga.

Ang binubuo raw niyang show sa May 16 na gaganapin sa SM Skydome ay iba raw.

Pero kung meron daw ibang nakabili ng tikcets sa nakansela niyang show na hindi ni-refund ng producer, tatanggapin daw nila ito sa concert niya sa May 16.

vuukle comment

AFTER ALL

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

COMEDY CONCERT QUEEN

DENNIS TRILLO

HEART EVANGELISTA

JACOB FERNANDEZ

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

NAMAN AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with