^

PSN Showbiz

Namutla sa kahihiyan: Resigned PNP Chief Purisima hindi umubra kay Sen. Miriam Santiago; LT hindi na naghahanap ng lalaki na magpapaligaya!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Napanood kahapon sa national television ang pamumutla at pagkapahiya ni resigned PNP chief Director-General Allan Purisima dahil hindi umubra kay Senator Miriam Santiago ang kanyang mga sagot tungkol sa involvement niya sa Mamasapano incident na isang massacre para sa palaban na senadora.

SCENE:  Hindi nakapalag si resigned PNP chief Director-General Allan Purisima sa sinabi ni Senator Miriam Santiago na “Don’t play words with me…Words are my livelihood.” Hindi nagamit  ni Purisima sa senate investigation kahapon ang kanyang favorite words na ‘advice, not an order.’

SEEN: Hindi natuwa si Jim Paredes sa klase ng pagtatanong ni Senator Miriam Santiago sa mga opisyal ng AFP, PNP, at MILF. Walang kakampi si Paredes dahil ikinatuwa ng lahat ang katapangan at husay ni Senator Santiago sa pagtatanong. 

SCENE: Ang mga joke ni Gabby Concepcion sa presscon kahapon ng Crazy Beautiful You ng Star Cinema. Si Gabby lamang ang tawang-tawa sa kanyang mga biro. 

SEEN: Hindi naghahanap si Lorna Tolentino ng bagong lalaki na mamahalin dahil maligaya na siya sa pag-aalaga sa kanyang apo na si Tori.

SCENE: Dadalhin ni Lorna Tolentino sa Hong Kong ang kanyang apo at ipapasyal sa Disneyland kapag natapos na ang commitments niya sa Crazy Beautiful You. 

SEEN: Walang totoo sa mga paliwanag ng concert producer na si Jacob Fernandez tungkol sa biglaang kanselasyon kagabi ng concert ni AiAi Delas Alas sa The Theater ng Solaire Resort & Casino. Wala nang naniniwala kay Jacob dahil sa kanyang mga atraso sa maraming tao. 

SCENE: Ang management ng Solaire Resort & Casino ang makapagpapatunay na hindi binayaran ni Jacob Fernandez ang venue ng concert ni AiAi Delas Alas. Malaking halaga ang sisingilin kay Jacob ng management ng Solaire Resort & Casino para sa reservation niya sa The Theater.

vuukle comment

ALLAN PURISIMA

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DELAS ALAS

DIRECTOR-GENERAL ALLAN PURISIMA

JACOB FERNANDEZ

LORNA TOLENTINO

SENATOR MIRIAM SANTIAGO

SOLAIRE RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with