^

PSN Showbiz

Pinay celeb na host ng isang modeling search, kinabubuwisitan ng mga katrabaho dahil sa kadivahan?!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aware kaya ang celebrity na ito na may malaking project abroad, na may nang-iintrigang diva-divahan daw ang beauty niya sa proyektong ‘yon?

Ang tsika kasi, kinairitahan siya ng hair styling team sa proyektong ‘yon dahil ang hirap-hirap daw niyang ayusan. Ang hirap daw niyang ma-please dahil palagi siyang nagda-dialogue ng, “They can’t fix my hair!”

Sa inis daw ng styling team sa proyektong ‘yon, nag-walkout ang mga ito.

Pati ang ibang celebrities daw na kasama niya sa proyektong ‘yon ay iritable rin dahil sobrang tumatagal ang trabaho nila dahil daw sa kaartehan nito na mala-diva ang dating.

Ang tsika pa, halos lahat ng sinasabi nito habang nagho-host ay pini-feed sa kanya through an earpiece.

Ikinuwento ko naman sa kaibigan ni celebrity ang tungkol sa tsikang ‘yon at nagulat ang kinuwentuhan ko.

May duda ang kinuwentuhan ko na isa pang Pinay celebrity na kasama sa international project na ‘yon ang source ng kuwentong nakarating sa akin.

May pagkakataon daw talaga na medyo natagalan ang pagsisimula ng taping dahil hindi nga nagustuhan ni celebrity ang ayos ng kanyang buhok, pero wala naman daw naikuwento si celebrity na nag-walkout ang kanyang hair styling team.

“Baka ‘yung isang Pinay celebrity na kasama rin sa project na ‘yan ang nagkukuwento dahil bonggang-bongga si ______ (palayaw ni celebrity) sa project na ‘yan. Biggest break niya ‘yan at international pa, kaya siguro may mga ibang inggit at nang-iintriga,” pagtatanggol naman kay celebrity ng kanyang friend na nakatsikahan ko.

Well, I just hope na mali nga ang bintang na diva-divahan si celebrity sa international project niya dahil baka ma-award siya ng kanyang titang aktres na ang alam ko ay ayaw na ayaw na nagmamaldita ang kanyang mga kamag-anak na nagsu-showbiz din.

Annabelle gustung-gustong nangangarag sa mga okasyon ng pamilya!

Ngarag-ngaragan noong isang araw si Annabelle Rama dahil kaliwa’t kanan ang kanyang meetings.

Noong araw ring ‘yon ang meeting nila nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico sa coordinator ng kasal ng dalawa sa Hunyo 26.

Narinig ko ang mga plano para sa kasal nina Elvis at Alexa, at exciting ‘yon.

Sinabihan ni Bisaya ang wedding coordinator na magiging abala pa rin siya sa araw ng kasal nina Elvis at Alexa sa pag-aasikaso sa mga bisita. Pero pinayuhan siya na huwag nang magpakangarag sa araw na ‘yon dahil may mga wedding coordinator naman na mamamahala sa lahat. At siyempre, ayaw pumayag ni Bisaya.

Si Bisaya kasi talaga ang namamahala sa lahat kapag may mga event ang kanyang pamilya.

vuukle comment

ALEXA

ALEXA UICHICO

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CELEBRITY

DAHIL

DAW

YON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with