^

PSN Showbiz

Young actor, sa pawnshop binili ang singsing na iniregalo sa ex girlfriend!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dalawang tumbling na lang at ipagdiriwang na natin ang Valentine’s Day. Napakaespesyal ng araw na ito para sa mga kabataan, talagang gumagawa sila ng kani-kanyang atake at gimik para mapaligaya ang kanilang minamahal, pinag-iipunan ng mga bagets ang Araw Ng Mga Puso.

Isang gabi ay pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang nakaaaliw na kuwento ng pagreregalo ng isang guwapong young actor ng alahas sa kanyang girlfriend na young actress.

Natural, alam ng batang aktor na mahilig sa alahas ang kanyang girlfriend, kaya isang araw ay nag-ikot siya nang nag-ikot para makahanap ng singsing na ipangreregalo niya sa young actress.

Kuwento ng aming source, “Marami na siyang pinuntahang jewelry shop, pero kapos ang budget niya, masyadong mahal ang presyo ng mga tinitingnan niyang singsing.

“Isang friend niya ang nagsabi, may paraan para magkasya ang budget niya, isang lugar lang ang kailangan niyang puntahan, pawnshop. Ginawa naman ‘yun ng young actor.

“Sa isang variety show, ipinakita ang regalo ng young actor sa girlfriend niyang batang aktres, ang ganda-ganda ng singsing, maraming nainggit sa girl dahil napakapaboloso raw palang magregalo ng boyfriend niya.

“Diamond ring nga ang gift ng young actor sa girlfriend niya, nabili niya ‘yun sa subasta, ‘yung mga alahas sa pawnshop na malapit nang maremata,” natatawang kuwento ng aming impormante.

Nagkahiwalay rin sila, may kani-kanyang karelasyon na silang artista ngayon, pero mukhang hindi naman ibinibili ng young actor ang bago niyang girlfriend ng alahas sa subasta. Matindi ang ina ng young actress, masyadong mabusisi, siguradong malalaman nito kapag sa subastahan lang galing ang regalo ng batang aktor sa kanyang dalaga.

Ubos!

Sec. Mar laging nae-etsapwera, Korina hinihintay mag-react

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Korina Sanchez sa mga nagaganap sa kanyang mister na si DILG Secretary Mar Roxas? Sa dalawang araw na pagharap sa Senado ng mga opisyal para magbigay ng kanilang paliwanag tungkol sa pagkalagas ng SAF-44 ay napakalinaw ng mga detalye.

Aminado ang tagapamahala ng tropang ipinadala sa Maguindanao na nilampasan nila ang kasalukuyang OIC ng PNP at si DILG Secretary Mar Roxas sa kanilang pumalpak na operasyon. Nagmukhang ewan ang dalawa dahil ang lumalabas na nagmando sa pagkilos ay ang suspendidong si General Allan Purisima nu’ng December 4, 2014 pa.

Napakasakit nito para kay Secretary Roxas, palagi na lang siyang naeetsa-puwera, nu’ng tatakbo siyang pangulo ay biglang nagbago ang desisyon ng Liberal Party para si P-Noy ang isalang sa panguluhan at nag-vice president na lang siya at hindi pa nagtagumpay.

Edukado at mahinahon lang talaga ang mister ni Korina kaya hindi naglalabas ng tunay niyang emosyon sa pagsira ng mga nagpromotor sa Mamasapano massacre sa protocol. Naturingan siyang tagapamuno ng DILG na dapat sana’y nakakaalam ng lahat ng nagaganap, pero pinagmukha siyang ewan, gaano ‘yun kasakit para kay Ate Koring?

May inaabangang rebelasyon ang buong bayan tungkol sa operasyon, pinakahihintay nila ang isang pangalan para mabanggit sa hearing, pero natapos ‘yun na nakapailalim lang ang pangalang pinananabikan nilang marinig dahil nabahag ang buntot ng mga unipormadong opisyal na nanumpa pa sa Senado na pawang katotohanan lang ang kanilang sasabihin.

vuukle comment

ARAW NG MGA PUSO

ATE KORING

GENERAL ALLAN PURISIMA

ISANG

KORINA

PARA

SECRETARY MAR ROXAS

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with