^

PSN Showbiz

Lovi sabik sa pa-birthday ni Rocco!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayon ang 26th birthday ni Lovi Poe.

Biro ng dalaga, dapat daw pala ay nag-lie siya noong una tungkol sa kanyang edad para she can claim na 24 years old lang siya ngayon.

Kundi man sila magkakasama ng boyfriend niyang si Rocco Nacino sa Valentine’s day dahil nasa Balesin Island siya para sa birthday at kasal ng kaibigang si Heart Evangelista, mamayang gabi naman ay magkasama sila ng kanyang boyfriend na ise-celebrate ang kanyang birthday sa Cable Car sa The Fort. Part-owner ng nasabing bar/restaurant si Lovi.

Nang makatsikahan ko kahapon si Lovi sa presscon ng OPM Live: MuSIKATin concert sa Philippine Arena sa February 20, inusisa ko siya kung may gift na ba sa kanya si Rocco. Pero wala pa raw naibibigay sa kanya.

“Baka bukas (ngayon araw),” sey ni Lovi.

“Generous ba si Rocco?”

“Yes, Tito Jun, he’s very generous, pero wala pa akong idea kung ano ang ibibigay niyang regalo sa akin,” sagot ng dalaga.

Samantala, para kay Lovi, isa sa ma­gandang birthday gift na natanggap niya ay ang Bigkas, single nila ng kaibigang si Brisom at lalabas ngayong araw na ito ang music video.

Oo nga pala, going back to Heart’s birthday and wedding, sa February 14 ay may sorpresa raw sa magiging misis ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang mga kaibigan.

“Lagot sa amin si Heart sa mismong birthday niya!” sey ni Lovi na pinagplanuhan daw nilang magkakaibigan ang magiging “surprise” kay Heart sa Balesin Island.

Dahil birthday naman daw ‘yon ni Heart, puwede roon si Chiz.

Hindi nga pala natuloy ‘yung bridal shower nila na may mga machong lalaki sana na magsasayaw dahil ‘yon ang inayawan ni Heart.

Toni at Coco sobrang busy pa, pagtatambalang pelikula inurong ang showing

Ongoing ang shooting ng unang movie team-up nina Toni Gonzaga at Coco Martin, pero ayon sa isang Star Cinema-insider, hindi na sila aabot sa u­nang target na play date nila sa Black Saturday.

May 13 na raw ang playdate nila.

Pareho raw kasing busy sina Toni at Coco.

Marami raw shows abroad si Toni, kaya imposib­leng umabot sila sa Black Saturday playdate, kaya imbes na ma-stress sila sa paghahabol ng shooting, nagdesisyon na raw kaagad ang Star Cinema na ili­pat na lang ang kanilang playdate.

vuukle comment

BALESIN ISLAND

BIRTHDAY

BLACK SATURDAY

CABLE CAR

CHIZ ESCUDERO

COCO MARTIN

LOVI

STAR CINEMA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with