^

PSN Showbiz

Edu nagsalita na sa pagkandidato ni Luis sa Batangas

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala namang tutol si Edu Manzano kung puma­sok ng pulitika ang anak niyang si Luis Manzano. Para sa kanya, kung saan magiging maligaya ang mga anak ay doon siya. Tiwala siyang kayang pa­ngatawanan ni Luis ang pagpasok nito ng pulitika kung gugustuhin niya. Pero payo niya rito ay huwag isabay ang pulitika sa trabaho niya sa showbiz.

Si Edu rin naman ay binabalikan ang kanyang pag-aartista. “Wala nang star system ngayon, pantay-pantay na ang lahat. At ang mahalaga ngayon ay ang proyekto. Maganda ba ang istorya, maga­ling ba ang direktor, maganda ba ang produksyon? Mara­mi na akong panahon ngayon. Kaya ako nang ibi­gay ang maraming oras na kinakailangan ng isang artista sa kanyang trabaho,” sabi ng magaling na TV host at aktor.

AiAi at Pokwang nagpapabonggahan ng lovelife?!

Mukhang may kumpetisyon sa pagitan nina AiAi delas Alas at Pokwang pagdating sa boyfriend.

Alam na ng marami ang relasyon ni AiAi sa ba­gets, at nagkaroon na pala  ng ugnayan si Pokwang sa naging leading man niya sa pelikula para sa TFC (The Filipino Channel), Edsa Woolworth na si Lee O’Brian.

Ang unang idinadaan lamang sa tuksuhan ay naging totohanan na pala. Si Pokwang na mismo ang umamin nito kay Kris Aquino. Ang pagsasama nila ng madalas nang pumunta ito ng bansa para sa promosyon ng kanilang pelikula ang nagpalawig pa ng kanilang pagkakaunawaan. Maski ang anak ni Pok­wang ay nahalata na ang magandang tinginan nila at wala na itong nagawa kundi samahan ang ina sa dasal nito na si Lee na nga ang lalaki para kay Pokwang.

‘Yun na!

Diego hindi naisip na magiging newscaster

Maski nung buhay pa ang tatay niya na isang napakagaling na newscaster, hindi inisip ni Diego Castro na sumunod ito sa yapak nito. Hindi naman siya pinilit ng ama at sa halip ay pinabayaan siyang i-pursue ang kanyang pag-aartista. Ang kanyang asawang si Angela Lagunzad ang minentor niya sa pagbibigay ng news dahil ito ang hilig niya.

“When he died, dun lang ako nagkaro’n ng hilig. When my wife went to UNTV to try newscasting sina­mahan ko lang siya. Only Mr. Da­niel Razon who told me to come back the follo­wing week at mag-newscast na ako. Now I’m part of Why News (Mon­days to Fridays, 7:30-8:00 p.m.) with Gerry Alcantara. English news program ito ng UNTV, their first, dahil palpak ako sa Tagalog,” pag-amin ng kabataang newscaster.

Hindi pa kasal sina Diego at Ange­la, pero may anak na sila at na­ma­mahala silang dalawa ng isang restaurant sa Katipunan. Balak nilang magpakasal soon. Nasa news din ng UNTV si Angela at bukod sa pagsasabi ng balita, segment host din ito.

vuukle comment

ANGELA LAGUNZAD

DIEGO CASTRO

EDSA WOOLWORTH

EDU MANZANO

FILIPINO CHANNEL

GERRY ALCANTARA

KRIS AQUINO

POKWANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with