^

PSN Showbiz

Gusto ng aktres ‘di napagbigyan, Sunshine sinisiraan daw si Cesar, pati anak idinadawit

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Excited si Ogie Alcasid sa first concert na gagawin niya sa sobrang laking Philippine Arena na MuSIKATin sa February 20.

Malaking event ito na prinodyus ng Philippine Arena mismo at Maligaya Development Corporation, kung saan kasama rin sa magpi-perform sina Hajji Alejandro, Michael V., Rey Valera, Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc 9, Jett Pangan, at Vernie Varga.

May pinaghandaan sina Ogie na isang production number para sa ating mga bagong bayaning Fallen 44 Heroes.

Iimbitahin din daw nila ang immediate family ng Fallen 44 Heroes, dahil balak pa niyang ang buong talent fee niya sa concert ay ibibigay niya sa pamilyang naiwan ng mga ito.

PAK: Hindi talaga matanggap ng aktres ang baguhang aktor na boyfriend ng anak niya. Nababastusan kasi ang aktres sa baguhang aktor na ito dahil dinadaan-daanan lang daw siya kapag pumupunta ito sa bahay nila.

Kaya nakahinga nang maluwag ang aktres nang nalaman niyang nakipag-break na ang anak niya sa baguhang aktor na ito.

Pero namumroblema na naman ngayon ang aktres dahil nabalitaan niya kung kanino nahuhulog ang anak niya. Hindi rin niya type ang lalaking ito dahil sa kanyang mga nababalitaan. Kaya namumroblema raw siya kung paano pagsabihan ang anak na huwag na muna kasing ma-in love.

BOOM: Napag-alaman namin mula sa aming source na galit na galit daw si Cesar Montano kay Sunshine Cruz dahil sa inilabas nitong iskandalo at idinamay pa ang kanilang anak.

Bakit naman daw gagawin ni Cesar ang kabastusang ibinibintang sa kanya? Hindi raw niya makakayang gawin iyon.

Sabi pa ng aming source, ganun daw talaga si Sunshine kapag may hinihingi na hindi nila napagkakasunduan ni Cesar, nasusulsulan ito na gumawa ng hakbang na ikasisira ng aktor.

Sa ngayon ay ayaw munang magsalita ni Cesar dahil kinakausap pa niya ang kanyang abugado tungkol sa panibagong kasong isinampa laban sa kanya.

Magsasalita naman daw siya sa tamang panahon para maipagtanggol naman daw nito ang sarili.

Ang iniiwasan lang daw sana ni Cesar ay magsiraan sila sa publiko, at madamay pa ang kanilang mga anak.

Ang inaalala na lang daw ni Cesar ay huwag maapektuhan ang mga bata.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

CESAR MONTANO

DAW

HAJJI ALEJANDRO

JETT PANGAN

KAYA

LOVI POE

NIYA

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with