^

PSN Showbiz

RR puro katsipan ang hirit, puwedeng tsugihin sa Happy Wife... Rico napatay ng aswang! Jane Oineza wala pa ring star aura!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Humingi na ng paumanhin sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer dahil sa video ng pagbusina nila nang malakas sa kanilang kotse para magising ang natutulog na pasahero ng isang sasakyan. Mga Bible verse ang bukambibig ni RR pero katsipan ang kanyang mga ginagawa.

SCENE: Mahilig umeksena si RR Enriquez. Palaging sinasapawan ni RR ang kanyang mga co-host sa Happy Wife, Happy Life. Kababawan at non-sense ang mga hirit ni RR kaya puwedeng wala siya sa Happy Wife, Happy Life.

SEEN: Ang payo ni Sen. Panfilo Lacson kay SAF Director Getulio Napeñas na madaling matandaan ang katotohanan kesa kasinungalingan. Isinapubliko kahapon ni Lacson sa Umagang Kay Ganda ang payo niya kay Napeñas.

SCENE: Hindi dapat makalimutan ni SAF Director Getulio Napenas ang kanyang sinumpaan noon na tungkulin niya na maging tapat siya sa bayan. Sa mga nangyayari ngayon, nasa dalawang tao lamang at hindi sa bayan ang loyalty ni Napeñas na kalokalike ni Tirso Cruz III.

SEEN: Malulungkot ang fans ni Rico Blanco dahil namatay ang karakter nito sa Liwanag Sa Dilim, ang horror movie ng APT Entertainment Inc. na showing ngayon sa mga sinehan.

SCENE:  Hindi nakatulong kay Jane Oineza ang pagsali niya sa PBB All In ng ABS-CBN dahil hindi pa rin nadagdagan ang kanyang star aura at quality.

SCENE: Kabilang si Mikee Cojuangco sa mga celebrity na nagpaalaala sa publiko tungkol sa misa para sa Fallen SAF 44 na ginanap sa harap ng Camp Crame Edsa gate noong Lunes.

vuukle comment

ALL IN

CAMP CRAME EDSA

DIRECTOR GETULIO NAPE

DIRECTOR GETULIO NAPENAS

ENRIQUEZ

ENTERTAINMENT INC

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with