^

PSN Showbiz

Ryza naghahanap ng lalaking aanakan siya!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Gustung-gusto na ni Ryza Cenon na mabuntis at magkaanak! Problema lang ay wala siya ni boyfriend na puwede siyang bigyan ng anak. Kaya stop muna siya sa pangangarap at hahanap muna ng magiging boyfriend. Paano nga naman siya magka­kaanak kung wala siya ni boyfriend man lang?  

Marami ang nagtataka na considering malandi siya sa mga ginagampanang role at mostly kontra­bida, ay wala siya ni karelasyon ngayon. Single siya pero wala naman siyang nararamdamang lungkot until maisip nga niya na magka-baby na.

Kaya huwag na kayong magtaka kung any moment now ay makita natin siyang mayro’n nang kasakasama o kaya ay buntis na at handa itong ma­ging ina. Good luck sa kanya.

Nikki napilitan lang ikanta ang engagement sa non-showbiz BF

Ngayon lang nabalita ang engagement ni Nikki Gil na naganap nu’ng bago ng mag-Pasko nakaraang taon. Kung hindi pa naurirat ang aktres dahil sa na­ging engagement ni Toni Gonzaga ay hindi pa aaminin ni Nikki na nakatakda na rin siyang mag-asawa. Wala pa nga lamang silang napipiling araw ng kanilang wedding ng kanyang non-showbiz fian­cé.

Obviously, marami ang natutuwa sa an­nounce­ment ni Nikki tungkol sa kanyang love­life. Matagal na rin nang maghiwalay sila ni Billy Crawford at dahil masaya na ito with Coleen Garcia, ina­asahan nila na hindi naman mapag-iiwanan sa happiness si Nikki. True enough, she has been happy with her new love at sapat na ang isang taon para naisin nilang gawing mas malalim ang kanilang relasyon.

Monolo dala-dalawa ang ka-loveteam

Marami ang nako-confuse kung kanino ba dapat maitam­bal si Manolo Pedrosa na mula sa rea­lity show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB). Kay Janella Salvador ba na pinag-aagawan nila ni Marlo Mortel sa Oh My G! at na­ka­tambal niya sa Maalaala Mo Ka­ya (MMK) o sa kapwa niya alumni ng PBB na si Maris Racal na na­ka­tambal niya sa Hawak Kamay?

May isang pelikula rin na pagbibidahan sina Ma­nolo at Maris, ang Star Versus Me na isinulat ng award winning director at composer na si Joven Tan. Ang Star Versus Me ay isang nobela rin ni Joven na isinalibro at ngayon ay isa sa mga bestseller ng National Bookstore. Tungkol ito sa horos­cope at ang pagkagiliw ng mga tao rito.

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

HAWAK KAMAY

JANELLA SALVADOR

JOVEN TAN

NIKKI

SHY

STAR VERSUS ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with