Angelica nadulas na ‘inagaw’ si John Lloyd kay Shaina
SEEN: Nalungkot si Robin Padilla nang bumalik sa Australia noong Linggo ang anak na si Ali. Best friend ang trato ni Robin sa kanyang nag-iisang anak na lalaki.
SCENE: Blockbuster ang unang araw ng senate inquiry tungkol sa Mamasapano tragedy dahil tinutukan ang live telecast nito sa telebisyon.
SEEN: Absent si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo dahil dumalo siya sa private birthday celebration ni P-Noy. Kumpleto ang Aquino siblings sa 55th birthday celebration ng embattled president ng bansa.
SCENE: Ang All About Me episode kahapon ng KrisTV nang magsimba si Kris Aquino sa Shrine of Our Lady of Manaoag.
SEEN: Ang pahiwatig ni Angelica Panganiban na siya ang ugat ng break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa guesting nila ni John Prats sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.
SCENE: Muntik nang magkaroon ng lamat ang friendship nina Angelica Panganiban at John Prats nang maging boyfriend niya si John Lloyd Cruz dahil ito ang dahilan ng break-up nina Shaina Magdayao at John Prats.
SEEN: Ang Filipino fashion designer na si Albert Andrada ang gumawa ng white gown na ginamit ni Paris Hilton sa 2015 Grammy Awards.
SCENE: Hindi bago ang Albert Andrada gown ni Paris Hilton dahil katulad din ito ng gown na ginamit noon ni Iza Calzado sa isang event.
- Latest