^

PSN Showbiz

Ultimate concert nina Martin, Regine, Lani at Gary mapapanood din sa mga sinehan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Confirmed na sold out na ang February 14 (second night) ng Ultimate concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Lani Misalucha and Gary Valenciano sa MOA Arena. Maging ang February 13 ay kakaunti na lang ang natitirang ticket.

At kung nasa probinsiya naman kayo at malayo sa Maynila may chance pa rin kayong mapanood ang concert dahil ipalalabas ito sa ilang SM Cinemas nationwide with real time screenings ng Ultimate sa Feb, 14, 8:30 p.m. sa following SM branches :  SM Cebu, SM Lanang, SM Iloilo, SM General Santos, SM Clark, SM Pampanga, SM Baguio and SM Naga.

Due to public demand, malamang na magkakaroon din sila ng repeat. Pero wala pa silang date kung kailan magaganap ang repeat ng concert na  February 13 and 14 sa MOA Arena magaganap.

Ito nga naman ang first concert nilang apat na magkakasama kaya atat na ang lahat na panoorin kung may patalbugang magaganap.

Imagine sa tagal nila sa music industry, sila pa rin talaga ang buhay pag Valentine.

Shaina ‘nabuwisit’ kay Angelica, ipinagdarasal na lang daw niya kahit ginugulo siya

Nabuhay ang isyu kina Shaina Magdayao at Angelica Panganiban nang mag-guest ang huli sa Gandang Gabi Vice with John Prats last Sunday night at makalkal ang totoong isyu noon sa kanila ng boyfriend niya ngayong si John Lloyd Cruz.

Maalala noong naging biglaan ang hiwalayan nina Shaina at John Lloyd at ngayon lang umamin si Angelica sa totoong nangyari na feeling niya, siya ang rason ng break up nina Shaina at JLC. Best friend noon ni Angelica si John Prats na ex naman ni Shaina.

Kaya naman biglang napa-react si Shaina sa kanyang Instagram account kahapon dahil nga pinik-up na ‘yung sinabi ni Angelica. Wala mang pinatatamaan pero alam mo sa kanyang post kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Those who tried to break you are expecting you to be on fight mode. Conquer them with your peace,” na quote ni Thema Davis.

At dinagdagan niya : ONE thing I DO BEST to people who “try” to put me down and “try” to break me even if Im not doing anything to them? I PUT YOU ....ON MY PRAYER LIST exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after #takethehigherroad #butplsdontmentionmynameeverrragain just a lil bumpy moment this evening based on friends texts but all good Still a good Sunday after all.. Blessed with #SundayWorkday w my #ASAP20 family and my ever loyal supporters #Shainatics Blessed with a wonderful loving family and a peaceful sunday evening surrounded with beautiful hearted friends. Ah Life Still so much to be thankful for and to smile about. Life is Good and our God is Great! THANK YOU, LORD for tonights comfortable sleep and sweetest dreams.Good night, Instagram World.”

I’m sure hindi na ito lalaki. Magkakapamilya sila at masagwa naman kung pagpipiyestahan pa nila ito.

Pokwang inamin ang relasyon sa American actor

At least naman may boyfriend na pala ang ko­medyanang si Pokwang. Inamin niya ang tungkol sa kanila ng nakatrabaho niyang aktor na si Lee O’Brien sa pelikulang Edsa Woolworth.

Inamin ni Pokwang ang tungkol sa kanila sa prog­ramang KrisTV kahapon. Ipinagdarasal niya raw sanang ito na nga. Aprubado ng anak niya ang relasyon nila.

Kamakailan lang ay dumating ng bansa ang nasabing aktor para sa promo ng pelikula nila at doon na raw naganap ang kanilang pag-uusap. 

Good for her. At least magiging masaya ang buhay niya.

‘Yun nga lang nasa Amerika ito. Pero sinabi ni Pokwang na willing siya manirahan sa Amerika. True love na ba ito?                                                                                   

 

vuukle comment

AH LIFE STILL

AMERIKA

ANGELICA PANGANIBAN

EDSA WOOLWORTH

JOHN PRATS

NIYA

POKWANG

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with