^

PSN Showbiz

Pokwang dyowa na ang American actor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Sana ito na nga, sana ito na.”

Ito ang pahayag ng komedyanteng si Pokwang matapos aminin na may relasyon na sila ng on screen partner na si Lee O’Brien sa pelikulang “Edsa Woolworth.”

Naging official ang relasyon ng dalawa nitong Enero 20 matapos pumunta ng Boracay si O' Brien.

Ikinuwento ni Pokwang na halik ang sinagot sa kanya ng American actor nang tanungin niya kung ano nga ba sila.

“Three days after, bumalik ng Manila, so ayun na, nagkasaralinan kaming dalawa. May quality time kami para mag-usap kung, ‘Ano ba talaga tayo? Ano ba talaga?'” sabi ng komedyante sa kanyang panayam sa “Kris TV.” “Mahirap (kasi) baka mamaya ako lang yung in love.”

“Tapos doon ko nalaman, sinabi niya na alam mo ba first shooting day pa lang mayroon na siyang keme (feelings for me). Sinabi ko, ‘Ano tayo?’ Tapos, hinalikan niya ako, tapos sinabi niya gusto niya ako, masaya siya kapag nakikita niya ako kapag magkasama kami,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Pokwang na aprub ang kanyang pakikipagrelasyon kay O' Brien sa kanyang anak na si Ria Mae Subong.

vuukle comment

ANO

BORACAY

BRIEN

EDSA WOOLWORTH

LEE O

NIYA

POKWANG

RIA MAE SUBONG

SINABI

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with