^

PSN Showbiz

“Gimik’ ni Rocco walang binatbat Lovi hindi makalimutang ginawang prinsesa ng ex!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Muling mapapanood bukas sa Magpakailanman si Lovi Poe at sa episode na Apoy sa Puso, gaganap siyang isang bom­bera o firewoman. Totoong istorya ito and in fact, nakilala ni Lovi ang karakter na ginampanan niya dahil pumunta siya sa taping.

Two days ang taping sa episode sa direction ni Argel Joseph kasama sina Snooky Serna at Al Tantay at kapareha ni Derrick Monasterio. Hindi alam ni Lovi ang isyung si Aljur Abrenica raw dapat ang kapareha niya sa episode, pero hindi dumating ang aktor, kaya napunta kay Derrick ang role nito. Ibig bang sabihin nito, okay na uling lumabas sa ­GMA-7 si Aljur?

Natawa si Lovi sa biro ng press na mas bata si Derrick sa kanya para maging kapareha niya, pero sabi nito, ipapakita ang karakter niyang si Beverly na 16 years old at 25 years old.

Isa sa picture na pinost ni Lovi sa IG ay itong sexy picture niyang naka-two-piece at countdown sa birthday niya sa Feb. 11. Walang big party ang aktres sa birthday niya at ang birthday wish lang ay “more projects and continue to be happy.”

May nakuwento pala si Lovi na memorable Va­lentine’s Day niya dahil she was treated like a princess ng BF niya that time. Hindi nito binanggit kung sino ang ex na ‘yun, para siguro hindi ma-insecure ang nobyong si Roco Nacino. Parang alam ng press kung sino ang da­ting nobyong ito ni Lovi.

Empoy tinuturuan ni Derek kumain ng tama

Tawa kami nang tawa sa mga hirit ni Empoy Marquez sa presscon ng Mac & Chiz, pati ang mga kasama sa sitcom ng TV5, natawa sa kanya. Klik ‘yung hirit niyang may “Derek”, ‘yun pala si Direk Joyce Bernal ang tinukoy. Ang lakas ng tawa ni John Lapus at ni Derek Ramsay.

First time may project si Empoy na nasa title role siya at ka-level pa sa billings si Derek, ano ang masasabi niya rito?

“Masaya ako, pero hindi ako nanibago, si Derek ang nanibago. Insecure sa akin ‘yun, dinadaan lang sa pagtawa. Walang halong biro, mabait si Derek at binibigyan ako ng tips kung paano maging healthy, ano ang dapat kainin, ano ang tamang diet, exercise, anong vitamins ang dapat i-take at pati tips sa sports.”

Sobrang pasalamat ni Empoy na binig­yan siya ng exclusive contract ng TV5 at may two shows, isa ang Mac & Chiz, napapanood, 8:00 p.m. every Sunday. Isa sa mga rason para magbago ang buhay niya ang kontrata niya sa network.

Ana Roces idadagdag sa Once...

Si Ana Roces ang bagong dagdag sa cast ng Once Upon a Kiss at ginagampanan ang karakter ni Daisy Velasco, isang teacher at suki ng turon ni Manilyn Reynes.

Bida sa Once Upon a Kiss na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na pinagkaguluhan sa taping sa General Trias, Cavite. 

Iñigo isinama rin sa Kathniel

Kasama sa Crazy Beautiful You ng Star Cinema si Iñigo Pascual. Nabasa namin ang pangalan niya sa poster ng movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maganda ang billing ni Iñigo dahil kahilera niya sa billing sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion at magkasing­laki ang percentage ng mga pangalan nila.

Showing sa February 28 ang pelikula, post-Valentine treat ito nina Kathryn at Daniel sa kanilang fans. Natutuwa rin ang fans ni Iñigo na muli siyang mapanood.

vuukle comment

AL TANTAY

ANA ROCES

DEREK

EMPOY

LOVI

NIYA

ONCE UPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with