^

PSN Showbiz

Kaya demoralized daw ang mga pulis P-Noy hindi pa rin nadadalaw ang mga pulis na nakaligtas sa masaker!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

How true na hindi pa raw dinadalaw ni P-Noy ang mga pulis na nakaligtas sa Mamasapano massacre?

Ang sey ng aking unimpeachable source, demoralized na demoralized ang mga magigiting na pulis dahil hinihintay nila na dalawin sila ng kanilang Commander-in-Chief.

Hindi ko sasabihin ang lugar na kinaroroonan ng mga survivor na nagpapagaling at hindi basta puwedeng dalawin for security reasons.

Kung tatanggap naman sila ng dalaw, bawal  ang picture taking at lalo na ang mga TV camera.

Therefore, mabibigo ang mga personalidad na kiye­me-kiyemeng bibisita pero may ibang motibo. Bawal ang mga TV camera kaya hindi nila maga­gamit sa publicity ang mga kawawang pulis na higit na kailangan ang tulong.

Isang saksi ang nagkuwento sa akin na dumalaw sa mga pasyente ang isang sikat na personality pero hindi ko na sasabihin ang kanyang name. Kusang-loob ang pagbisita ng celebrity na walang-wala sa bokabularyo na gamitin sa publicity ang magigiting na tagapag-tanggol ng bayan.

Jomari ayaw pumiyok sa ‘paninita’ ni Kris?!

Hindi pa nagsasalita si Jomari Yllana tungkol sa kanyang nagbabaga at umuusok na pahayag laban kay P-Noy.

Sisikapin ng Startalk na makuha at marinig ang kanyang panig.

May tsismis kasi na tinawagan  si Jomari ni Kris Aquino at silang dalawa lang ang puwedeng mag-confirm at mag-deny kung totoo na nangyari ang insidente.

Sa totoo lang, magmumukhang amateur ang statement ni Jomari kapag nabasa at narinig ninyo ang mga sinasabi laban kay P-Noy ng  mga pangkaraniwan na tao.

Nagkataon lang na celebrity si Jomari kaya mabilis na naging big issue ang kanyang statement na walang binatbat sa mga below-the-belt na batikos sa Aquino family ng mga ordinaryong mamamayan.

P-Noy mahihirapang mag-celebrate ng 55TH birthday

Birthday pala ni P-Noy sa Feb­ruary 8 at turning 55-years old na siya.

Magiging unforgettable para kay P-Noy ang nalalapit na kaarawan dahil sa malaking problema na pasan-pasan ngayon ng kanyang administrasyon.

Magkakaroon kaya si P-Noy ng big birthday celebration? Puwedeng oo pero malamang na hindi. Parang mahirap na mag-celebrate ng birthday habang kaliwa’t kanan ang mga batikos sa kanya. Ano kaya ang surprise birthday gift na matatanggap ni P-Noy sa February 8?

Liwanag sa dilim sakto sa mga pangyayari sa SAF

May special preview ang APT Entertainment Inc. para sa kanilang horror movie na ipalalabas sa mga sinehan sa February 11, ang Liwanag sa Dilim.

Bagay na bagay sa mga nangyayari sa bansa ang title ng pelikula nina Bea Binene, Jake Vargas, at Sarah Lahbati dahil kailangan ng liwanag sa dilim na idinulot ng pagkasawi ng 44-members ng PNP-SAF.

Kasali nga pala sa cast ng Liwanag sa Dilim si Rico Blanco.

Memoryadung-memoryado ni Rico ang lyrics ng Liwanag  sa Dilim dahil siya ang kumanta.

Jam hindi na mayakap ni Michelle

Nakita ko ang recent picture ni Jam Sebastian ng Jamich, ang Youtube sensation dahil sa mga music video nila ng kanyang girlfriend na si Michelle Liggayu.

Ibang-iba na ang itsura ni Jam dahil Stage 4 na ang kanyang lung cancer.

Naintindihan ko ang kuwento ni Michelle na hindi nito magawa na mayakap ang  boyfriend  niya dahil konting dampi lang niya, umaaray na sa sakit si Jam.

Para sa mga healthy people, simple gesture ang pagyakap sa kanilang mga mahal sa buhay  pero malaking effort ito para kay Michelle na miss na miss nang ma-hug si Jam. So near yet so far ang dalawa sa isa’t isa, kahit magkatabi lamang sila.

vuukle comment

DILIM

JOMARI

LIWANAG

MICHELLE

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with