^

PSN Showbiz

Erap inaabangan kung tutuparin ang pangako kay Jennylyn

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-promise si Papa Erap Estrada na bibili siya ng tickets para sa Valentine concert ni Jennylyn Mercado sa SM North Sky Dome.

Waiting and wondering na ang kampo ni Jennylyn sa rami ng tickets na bibilhin ni Papa Erap.

Sa pagkakaalam ko, personal na inimbitahan ni Jennylyn si Papa Erap para panoorin nito ang kanyang Valentine show.

Kung sakaling umapir si Papa Erap sa concert ni Jennylyn, balak nito na paakyatin at kantahan sa stage ang alkalde ng Maynila.

Tuparin kaya ni Papa Erap ang pangako na panoorin ang concert ni Jennylyn o bibili na lang siya ng tickets na ipamimigay niya sa mga empleyado ng Manila City Hall bilang Valentine gift?

Sa rami ng mga ginagawa ni Papa Erap para sa ikauunlad ng Maynila, baka wala sa kanyang schedule ang manood ng Valentine show ni Jennylyn.

Pinatunayang anak ni Erap Jerika sagad ang inis sa ‘pambu-bully’ daw ni Kris sa kanyang show

Pinatunayan ni Jerika Ejercito na anak siya ni Papa Erap.

Buong tapang na nag-comment si Jerika tungkol kay Kris Aquino.

“Don’t dish it out if you can’t handle it. Sheesh...every night she bullies her guests on a&a and every morning does it all over again on her show cleverly named kristv her poor guests publicly humiliated...she feels entitled to be BRUTALLY HONEST day in, day out...but obviously cannot handle the truth herself,” ang buong prangka at walang pakialam na sey ni Jerika.

Siyempre, kinuyog si Jerika sa social media ng mga loyalist ni Kris pero marami  ang nagtanggol at pumuri sa kanyang katapangan na ipinakita.

Ewan ko lang kung papatulan ni Kris si Jerika. Hindi naman niya puwedeng i-unfollow sa social media ang anak ni Papa Erap dahil hindi naman yata siya follower ng girlfriend ni Bernard Palanca.

Malinaw sa statement ni Jerika na pinapanood o napapanood niya ang mga TV show ni Kris kaya sure na sure siya sa kanyang pralala.

Halatang gusto lang makisawsaw aktor walang kuwenta ang katwiran

Mababaw at walang logic ang katwiran ng isang aktor tungkol sa hindi pagsipot ni P-Noy sa Villamor Airbase nang dumating ang mga labi ng pulis na natsugi sa Mamasapano massacre.

Mabuti na lang, paborito ko ang aktor or else, tinalak-talakan ko siya dahil sa kanyang mababaw na sagot.

Palalampasin ko ang kababawan ng aktor pero sa susunod na pumalpak na naman ang kanyang sagot, he will never hear the end it.

Para sa mga artista na hindi nakakaunawa sa isyu, isara n’yo na lang ang mga bibig para hindi mag-boomerang sa inyo ang mga kababawan ninyo. Mag-concentrate na lang kayo sa pag-arte.

Huwag n’yo nang pangarapin na maging another Judy Ann Santos dahil iba siya. Kayang-kaya ni Juday na panindigan ang kanyang mga sinasabi.

Napaghahalata kasi na limitado ang inyong mga kaalaman sa current events dahil sa palpak na sagot. Less talk, less mistake. No talk, no mistake!

vuukle comment

BERNARD PALANCA

ERAP

JENNYLYN

JERIKA

KANYANG

PAPA

PAPA ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with