^

PSN Showbiz

Hindi nararamdaman ng karelasyong hunk actor young female personality high school pa lang, pusong-lalaki na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahinhin ang pamosong young female personality na ito, hindi siya kailanman kinakitaan ng kagaslawan, pero bakit kaya ayaw mamatay-matay ang kuwentong may pusong-lalaki siya?

May nakakarelasyon naman siyang lalaki, nagtatagal din naman sila, pero sa kahit saang umpukan ay pinagpipistahan ang istorya ng kanyang katibuan.

Ayon pa sa kuwento, nu’ng hindi pa siya nag-aartista at isang ordinaryong estudyante pa lang ay palagi siyang nagiging muse ng kanilang klase, pero komento ng kanyang mga kaklase ay escort dapat siya at hindi muse.

Nu’ng nagsisimula nang umingay ang kanyang pangalan katambal ang isang guwapo at magaling na young actor ay maraming nagtataka kung bakit hindi sila naging magkarelasyon.

Masyado raw kaya siyang mapili sa magiging boyfriend o ang sikat na aktor ang pihikan sa babae? Napakatagal nilang naging magkatrabaho pero kahit kaunting senyal ay walang nakita sa kanila ang produksiyon na puwede silang maging magkarelasyon.

Mas umigting pa ang paniniwala ng marami na tivoli nga ang magandang young female personality nang isang kaklase niya sa high school ang nagpalutang ng kuwento na tibo siya.

Marami raw siyang naging girlfriend sa kanilang eskuwelahan, mestisa raw ang type na type ng magandang young actress, simple lang daw ang babaeng ito pero rock na rock!

Matagal na ang relasyon nila ngayon ng isang morenong hunk actor, maligaya naman sila sa piling ng isa’t isa, kahit minsan lang kaya ay walang naramdaman ang lalaki na babae ang type ng girlfriend nito?

Isang kaibigan naming berdaderong “magic” (read: isa pang terminong itinatawag sa mga tibo) ang nagkomento na oo, sa tingin pa lang ay amoy na amoy na nito ang pagiging pusong-lalaki ng magandang young female personality.

Ubos!

Walang takot Jomari tahasang tinawag na tanga si P-Noy!

Tatahi-tahimik lang pero maraming humahanga sa ipinakitang katapangan ni Jomari Yllana sa gitna ng pinagpipistahang isyu tungkol sa SAF-44.

Sa lahat ng mga personalidad na naglabas ng kanilang damdamin tungkol sa sinapit ng mga pulis na nalipol sa Maguindanao kamakailan ay ang aktor ang nagpakita ng pangil laban kay P-Noy.

Emosyonal niyang sinabi ang linyang, “Ikaw na! Ikaw na ang pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!” Idiniin din ni Jomari na naniniwala siyang hindi corrupt ang ating pangulo pero garantisadong mandarambong ang kanyang mga alipores.

Kumakagat din ang sinabi ni Jomari sa kanyang Facebook na “Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumiretso na rin ito sa impiyerno.”

Ramdam ang galit sa mga komento ng tatahi-tahimik lang na si Jomari. Siguradong napanood niya ang pagdadalamhati ng mga naulila ng SAF-44 na hindi man lang sinalubong sa Villamor Air Base ng Pangulong Noynoy Aquino at sa halip ay inuna pa nito ang pagdalo sa isang car show na hindi naman kalayuan ang lugar sa kampo.

Nu’ng kasagsagan ng relasyon nina Kris Aquino at Mayor Joey Marquez ay magkakaibigan sila, naging karelasyon pa nga ni Kris si Anjo Yllana na nakatatandang kapatid ni Jomari, pero ang prinsipyo para sa aktor ay hindi nakakulong lang sa pagkakaibigan.

Lalo namang ang prinsipyo ay wala sa talampakan.

vuukle comment

ANJO YLLANA

IKAW

JOMARI

JOMARI YLLANA

KRIS AQUINO

LANG

MAYOR JOEY MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with