^

PSN Showbiz

Luis tuluy-tuloy ang pagdating ng endorsement, pero walang pelikula

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa isang panayam sa anak ni Gob. Vilma Santos na si Lucky o Luis Manzano, kinumpirma nito na talagang tinanggihan niyang makasama sa pelikula ang kanyang ina at nobyang si Angel Locsin.

“Masyado na kasing personal kung sasama pa ako sa project. Kahit showbiz ako, ayaw ko namang sino-showbiz ang buhay ko,” paliwanag ng endorser ng Puregold Perks Card, isang special privilege card na kung saan bawat bibili sa Puregold ay makakakuha ng points at rewards. Hindi ito first time ni Luis sa Puregold. Maraming taon na rin siyang nagsisilbing host sa mga events ng Puregold, lalo na ng Tindahan ni Aling Puring. Kaya hindi na pagtatakhan kung bakit siya ang napili ng kumpanya na mag-endorso ng kanilang perks card na maituturing ni Luis na isa na namang patunay na mas tanggap siyang host/endorser kaysa artista. Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga offer to endorse products and even companies, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang assignment na movie o kaya teleserye. Meron pang isang proyekto siyang inaasahan na magtatambal sa kanila ni Alex Gonzaga, pero maski ito ay wala pang katiyakan.

“Okay lang. I’m more comfortable with hosting,” aniya na nakatakdang muling mag-host ng game show na Kapamilya Deal or No Deal na kakaiba naman ang magiging presentasyon.

Eula wala sa hitsurang may anak na magtatapos sa kolehiyo

Sa kanyang gulang ngayon na hindi mo mahahalata kung ilang taon, ay meron na palang isang 21-year-old son na natakdang magtapos ng kolehiyo at isang 10-year-old girl na inihahatid niya araw-araw sa Kumon si Eula Valdez. Sa dalawa,  ang babae ang nakikitaan niya ng hilig sa pag-aartista. “Siguro dahil bata pa siya ay kasa-kasama ko na siya sa trabaho. Dito na siya lumaki kaya siguro naimpluwensyahan siya ng malaki. Baka, payagan ko siya kapag malaki-laki na siya. Gusto kong mag-aral muna siya at kung talagang makita kong sa pag-aartsta din ang kapupuntahan niya at saka na lamang ako magpapasya,” anang aktres na makakasama na sa seryeng The Half Sisters bilang isang mayamang haciendera na mai-in love kay Jomari Yllana na kinupkop niya matapos makaligtas sa sumabog na sinasakyang yate. Makakalaban niya sa pag-ibig ang kanyang ka-tandem na si Jean Garcia. Hindi niya alam na may nakaraan sina Jomari at Jean kaya siya pumayag na magkaron ng relasyon kay Jomari. Excited si Eula dahil matagal na silang hindi nagkikita’t nagkakatrabaho ni Jean.

Masaya ang lovelife ni Eula. Sila pa rin ng boyfriend niyang modelo. Pitong taon na ang relasyon nila na kahit inaabot din ng away dahil konserbatibo si Rocky (Salumbides) at minsan ay pinagseselosan ang mga role na tinatanggap niya, hindi na lamang ito nanonood ng mga proyekto niya na maari nitong pagselosan para makaiwas na sa kanilang tampuhan. Nasa US ito sa kasalukuyan since November para dalawin ang kanyang mga magulang.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALING PURING

ANGEL LOCSIN

EULA

EULA VALDEZ

HALF SISTERS

NIYA

PUREGOLD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with